LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Pinaalalahanan ni Konsehal William Noche, Chairman ng Committee on Engineering ng Sangguniang Panlungsod ang m...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Pinaalalahanan ni Konsehal William Noche, Chairman ng Committee on Engineering ng Sangguniang Panlungsod ang mga mamamayang Lucenahin na suriing mabuti ang mga bibilhing christmas décor lalo’t higit ang christmas lights.
Ito ang naging paksa ng pribilehiyong pananalita ng nasabing konsehal na pinamagatang ‘It’s Christmas Time Once Again… Watch Out for Christmas Lights’ sa isinagawang regular na sesyon ng konseho kamakailan. Nang makapanayam ng TV12 si Konsehal Noche sa kaniyang opisina, inilahad nito ang ilan sa mga madaling makitang palatandaan upang makaiwas sa mga substandard na christmas lights.
Ayon kay Noche, kung walang tatak ng PS at ICC marks na nagsasabi na nakapasa ang produkto sa pagsusuri ng Department of Trade and Industry (DTI) ay tingnan lamang aniya ang wire nito at kung masyadong maliit at kung sa tingin ng mga ito na hindi kakayanin ng wire nito ang dami ng ilaw ay mabuting wag na itong bilhin.
Dagdag pa ng naturang konsehal, kung madaling mabaluktot ang plug nito gamit ang daliri ay ibig sabihin lamang na substandard ang naturang produkto.
Ito ang ilan sa mga safety reminders na sinabi ni Noche upang bigyang paalala ang publiko na huwag basta-basta bumili ng mga christmas lights at nang sa gayon ay mabigyang proteksiyon ang mga mamimili laban sa mga retailers at negosyanteng nagbebenta ng substandard items at maiiwas ang mga ito sa insidente gaya ng sunog.
At pagbibigay linaw ni Konsehal Noche, bilang electrical practitioner sa loob ng tatlumpong taon na iwasan ang pagbili ng sobrang murang christmas lights dahil sakaling magkaron ng overloading na kinahihinatnan kapag maliit ang kawad at hindi kaya ng kapasidad nito ay ang madalas pinagmumulan ng sunog na maaaring ikasawi ng nakararami.
Minarapat ng nasabing konsehal na ilahad ito sa publiko upang maiwasan ang mga hindi magandang pangyayari na maaaring magresulta ng pagkatupok ng mga ari-arian at pagkawala ng mga minamahal nila sa buhay dahil lamang sa pagtangkilik sa mura at sub-stanards na christmas lights. (PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments