Lucban Mayor Celso Olivier T. Dator By Nimfa L. Estrellado Lucban, Quezon -- Umabot sa 90 drug surrenderees ang nagtapos at dumalo sa ...
Lucban Mayor Celso Olivier T. Dator |
By Nimfa L. Estrellado
Lucban, Quezon -- Umabot sa 90 drug surrenderees ang nagtapos at dumalo sa Yakap Bayan Moving Up na ginanap kamakailan sa Pagbabago at Pag-asa Reflection Camp sa bayang ito.
Ang programa ay dinaluhan ng butihing punong bayan ng Lucban, Mayor Olivier Dator, residential Adviser for Southern Tagalog Secretary Dennis F. Hernandez, Secretary Aurora Ignacio, PCOO Assistant Secretary Ramon Cualoping III, DSWD Assistant Secretary Anton Hernandez P Office of the President Assistant at Dangerous Drugs Board Assistant Secretary Walter Besas.
Ang 90 surrenderees ay sumailalim sa anim (6) na buwang pagsasanay sa mga gawaing pangkabuhayan o livelihood, disaster responses, spiritual at moral values formation through leadership at socio-civic trainings.
At ngayong nakatapos na, sila ay tatanggap ng Certificate of Completion; ganoon din naman ang mga indibidwal, institusyon, iba’t ibang tanggapan at mga kooperatiba na pasasalamatan at bibigyang pagkilala bilang mga pangunahing tumutulong at sumusuporta sa Yakap Bayan na isang inisyatiba ng DSWD at ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
No comments