Sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Kapaskuhan ay kabi-kabila na rin ang ginagawang pagdiriwang ng Christmas party ng iba’t-ibang sector...
Sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Kapaskuhan ay kabi-kabila na rin ang ginagawang pagdiriwang ng Christmas party ng iba’t-ibang sector sa lungsod.
Kasama rin ng punong lungsod sa pagtungo dito ang hepe ng Tricycle Franchising and Regulatory Office na si Noriel Obcemea at ang presidente ng Pederasyon Magtri-Tricyle sa Bagong Lucena na si Erlito Sales.
Hindi inalintana ni Mayor Alcala ang layo ngl ugar na pinagdarusan nito, maging sa dulo man ito ng Brgy. Ilayang Dupay o sa dulo ng Mayao Castillo, basta makarating at makasalamuha ang mga tricycle drivers.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng mga miyembro ng iba’t-ibang TODA sa Lucena sa ginagawang kooperasyon ng mga ito sa pinatupad ng Color Coding scheme.
Sa pagtungo ring ito ng alkalde, isang magandang balita rin ang kaniyang inihatid sa ilang mga miyembro ng TODA na kaniyang pinupuntahan at ito ay ang pag-sasaayos at pagkakaloob ng prangkisa ng ilang mga miyembro ng mga ito.
Isa sa mga TODA na makakatanggap ng prangkisa para sa ilang mga miyembro nito ay ang PBTODA sa bahagi ng Brgy. Ibabang Iyam na kung saan ayon sa alkalde ay asikasuhin lamang ng mga ito ang kanilang papeles at humingi ng rekomendasyon mula sa kanilang kapitana na si Chairwoman Gina Sales at mga kagawad nito gayundin kay TFRO Head Noriel Obcemea upang mapagkalooban ang mga ito.
Labis naman ang katuwaan ng presidente at ang mga miyembro ng TODA sa balitang inihatid sa kanila ng punong lungsod na maituturing nilang isang maagang papasko bukod pa ang pagdalo nito sa kanilang okasyon.
Ang pagtungong ito ni Mayor Dondon Alcala sa mga ganitong uri ng okasyon ay bilang pagpapakita niya ng kaniyang taus pusong pasasalamat at pagbibigay ng suporta sa lahat ng sector na tumulong at patuloy na tumutulong sa pagsuporta sa mga magagandang programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod. (PIO Luena/ R. Lim)
At isa na sa mga nagdiriwang ng ganitong uri ng okasyon ay ang sector ng magtri-tricycle sa lungsod.
At bilang pakikiisa na rin dito, dumalo sa pagsasagawa ng ganitong uri ng okasyon sa iba’t-ibang Tricycle Operators and Drivers Association o TODA bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

No comments