LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Dumalo si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa isinagawang christmas party ng mga presidente ng Pinag-isang Samah...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Dumalo si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa isinagawang christmas party ng mga presidente ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators sa Lucena (PISTOL) kamakailan.
Ang naturang aktibidad ay ginanap sa headquarters ng mga ito sa bahagi ng Brgy. Marketview na kung saan mayroong naimbitahan na opisyal mula sa nasyunal na pamahalaan na nagpaliwanag ng isa sa mga mainit na usapin sa kasalukuyan, ang modernisasyon ng mga pampasaherong jeep.
Ipinakita ng nasabing opsiyal ang ilan sa mga bagong unit ng modernized jeep na moderno ang makina at pasado sa Euro 4 emission and consumption standards, madaling masakyan at mababaan ng PWD o persons with disability at Senior Citizen, may CCTV camera, GPS system, automatic fare collection system, wi-fi, speed limit devices at dashboard cam.
Tinatayang aabot sa mahigit 1,000 ang mga pampasaherong jeep sa lungsod na kinakailangang sumunod sa alituntunin na ito na ipinatutupad ng nasyunal na pamahalaan.
Ang modernisasyon na ito ay maghahatid ng ligtas, maginhawa at environment friendly na pampublikong mga sasakyan.
Kaugnay nito, magdadala ang nasabing kinatawan ng nasyunal na pamahalaan ng ilang mga modelo ng modernized jeepney sa lungsod na gagamitin ng mga presidente ng PISTOL upang kanilang masubukan ng personal at maipakita sa mga mamamayang Lucenahin ang mga ito.
Nangako naman si Mayor Dondon Alcala na handa itong sumuporta sa hakbangin ng national government na planong modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan, tanging pakiusap lamang niya na bigyang-ayuda din ang bawat jeepney driver sa lungsod hinggil dito. (PIO Lucena/J.Escuterio)

No comments