Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Christmas party ng Sangguniang Panlungsod, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang Christmas party ng mga empleyado ng Sangguniang Panlungs...

Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang Christmas party ng mga empleyado ng Sangguniang Panlungsod kamakailan.
Ginanap ang naturang aktibidad sa session hall ng SP na dinaluhan rin ng ilang mga konsehal ng lungsod.

Ilan sa mga ito ay sina Senior City Councilor Anacleto Alcala III, Councilor Atty. Sunshine Abcede-Llaga, Vic Paulo, Dan Zaballero, Atty. Boyet Alejandrino, William Noche, Benny Brizuela, Nilo Villapando, at ABC President Jacinto “Boy” Jaca.

Pinangunahan naman ni SP Secretary Leonard Pensader ang mga dumalong empleyado dito kasama ang kanilang pamilya.

Sa maiksing programa na isinagawa dito, nagbigay ng kaniyang pagbati si Senior City Councilor Third Alcala na kung saan ay kaniyang pinasalamatan ang lahat ng mga empleyado sa ginawa ng mga ito upang maging maayos ang lahat ng sesyon at gawain sa SP.

Sa naging mensahe naman ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng miyembro 
ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Philip Castillo at ang lahat ng mga konsehales dahilan sa lahat ng kaniyang hiniling sa mga ito ay agad nilang inaaprubahan at nakasuporta rin ang mga ito sa lahat ng programa at proyekto ng city government.

Lubos rin namang nagpasalamat ang lahat ng mga empleyado ng nabanggit na tanggapan kay Mayor Dondon Alcala sa pagdalo nito sa kanilang okasyon lalo’t higit sa mga binigay nito na pangregalo para sa kanilang Christmas party.

Kung matatandaan matagal na namalagi si Mayor Alcala sa Sangguniang Panlungsod simula pa noong taong 1992 nang unang maging ex officio member ito ng SP bilang SK President hanggang maging konsehal, at vice-mayor.

Ang pagdalo ni Mayor Dondon Alcala sa naturang aktibidad ay bilang pagpapakita niya ng taus pusong pasasalamat sa lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pagsuporta sa kaniyang mga programa at proyekto na ipinatutupad sa lungsod ng Bagong Lucena. (PIO Luena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.