Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Food Fair para sa selebrasyon ng Maria Orosa Day 2017 sa lungsod, isinagawa

Bilang paggunita sa mahalagang tungkuling ginampanan ni Maria Orosa sa kasaysayan ng bansa ay ipinagdiwang ang Maria Orosa Day 2017 kamakai...

Bilang paggunita sa mahalagang tungkuling ginampanan ni Maria Orosa sa kasaysayan ng bansa ay ipinagdiwang ang Maria Orosa Day 2017 kamakailan na mayroong temang ‘Rural Women; Key for Securing Food for the Home, Community and Nation’

Si Orosa ang nagtatag ng Rural Improvement Club (RIC) sa bansa na ang pangunahing layunin ay ang maiangat ang antas ng katatayuan ng kababaihan at ang kabuhayan ng pamilya ng mga magsasaka.

Isa siyang modelong maituturing sapagkat ang tanging hangad lamang niya ay ang makatulong sa kapwa at maging maginhawa ang buhay ng mga naghihirap.

Ginanap ang nasabing pagdiriwang na ito sa harapan ng Lucena City Government Complex (LCGC) na kung saan bahagi nito ang Food Fair na nilahukan ng mga miyembro ng naturang samahan.

Sa nasabing aktiidad ay pinagbebenta ng mga RIC members ang iba’t-ibang produktong kanilang pinagkakakitaan sa kanilang mga barangay na kinabibilangan gaya ng mga kakanin, cassava chips, shing-aling, tikoy, tinapa, chami at iba pa.

Maraming namang mga kawani ng lokal na pamahalaan ang bumili at tumikim ng mga produktong ibinebenta ng mga ito.

At anumang halaga ang kanilang kitain mula dito ay kanilang magagamit na pangdagdag -puhunan upang ipagpatuloy ang kanilang pagbebenta ng mga agri-products na ito.

Samantala, tinatayang mayroong 200 miyembro ng RIC sa lungsod at karamihan sa mga ito ay mga asawa ng mga magsasaka. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.