Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ground breaking ng limang mga malalaking proyekto salungsod, isinagawa

Katulad ng palagiang sinasabi ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa kaniyang mga pananalita sa lahat ng okasyong kaniyang pinupuntahan, isi...

Katulad ng palagiang sinasabi ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa kaniyang mga pananalita sa lahat ng okasyong kaniyang pinupuntahan, isinagawa na ang ground breaking ceremony ng limang malalaking proyekto sa lungsod.

Ang mga proyektong nabanggit ay ang rehabilitasyon ng compound ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena, ang himpilan ng Lucena City Police, renobasyon ng Old City Hall Building, pagtatayo ng City Health Office building at ang pinakaaabangan ng lahat na Lucena City Convention Center.
Unang isinagawa ang naturang ground breaking ceremony ng mga proyektong ito sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena, na kung saan ay personal na dinaluhan ito ni Mayor Dondon Alcala.
Kasama rin ng alkalde na dumalo dito sina Councilors Anacleto Alcala III, Benny Brizuela, Atty. Boyet Alejandrino, Vic Paulo, at Nilo Villapando, CPDO Head Nelson Singson, at ilang mga miyembro ng local school board.

Isinagawa ang nabanggit na okasyon sa compound ng DLL na kung saan pinangunahan naman ni Father Joefer Defante ang pagbabasbas dito.
Kasunod nito ay nagtungo naman ang mga nasabing opisyales sa himpilan ng pulisya upang isagawa naman dito ang katulad na aktibidad na kung saan ay nakasama naman nila dito ang panauhing pandangal na si Police Region 4A Regional Director Ma.O Oplasca.
Isinabay na rin dito ang ground breaking ng rehabilitasyon ng old city hall building na bagamat malakas ang buhos ng ulan ay hindi na inalintana ng mga opisyales ang pagsasagawa ng aktibidad na ito.

Matapos nito, kasunod namang nagtungo sina Mayor Alcala, RD Oplasca, at ilang mga konsehal sa Lucena City Government Complex upang isagawa naman ang groundbreaking ng City Health Office at ng Lucena Convention Center.

Hindi na rin inalintana ng mga ito ang buhos ng ulan at bagkus ay tuwa ang nanaig sa mga ito dahilan sa ito ang naging hudyat upang masimulan na ang mga malalaking proyektong nabanggit.
Ang pagsasaayos ng DLL ay upang mas magkaroon ng maraming silid aralan ang mga mag-aaral dito at malagyan ang mga ito ng tamang pasilidad na makatutulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa nasabing paaralan.

Isasaayos naman ang lucena city police satation at old city hall dahilan na rin sa kalumaan ng mga ito at upang mapanatili ang kagandahan ng mga ito at mamulat ang mga kabataan ng bagong henerasyon sa katatayuan ng lumang city hall noon.

Samantala, ang pagtatayo naman ng CHO ay upang mas mabigyan ng malaking espasyo ang lahat ng mga nagtutungo dito upang makapagpagamot habang ang Lucena Convention Center naman ay upang magkaroon ng isang lugar na maaring pagdausan ng mga palarong pampalakasan particular na ang basketball at para na rin sa iba pang aktibidad ng pamahalaang panlungsod na kakailanganin ng malaking venue.

Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng mga aktibidad ay ilan lamang sa mga ninanais ni Mayor Dondon Alcala para sa mga Lucenahin lalo’t higit alam niya na mapapakinabangan ito ng lahat. (PIO Luena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.