Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LCDRRMC, inilahad ang kanilang mga plano at programa para sa mga susunod na taon

Lungsod ng Lucena, Quezon -- Inilahad ng tanggapan ng Lucena City Disaster Risk Reduction Management Council (LCDRRMC) na kasalukuyang pina...

Lungsod ng Lucena, Quezon -- Inilahad ng tanggapan ng Lucena City Disaster Risk Reduction Management Council (LCDRRMC) na kasalukuyang pinamumunuan ni Janet Gendrano ang plano ng kanilang opisina para sa mga susunod na taon kamakailan.

Ginanap ang naturang aktibidad sa conference room ng Mayor’s Office sa Lucena City Government Complex (LCGC).

Ipinaliwanag ni Ibarra Quinto, Local DRRM IV at head ng planning and research section ng nasabing tanggapan ang iba’t-ibang mga usapin hinggil sa mga pangangailangan ng kanilang tanggapan na kailangang matugunan at mga aktibidad na dapat isagawa bilang paghahanda ng bawat mamamayan sa anumang sakuna na maaaring tumama sa lungsod.

Base sa kaniyang presentation mayroong apat na pangunahing paksa na sumasakop sa mga gawain at mga programang kailangang maipatupad upang magkaroon ng sapat na impormasyon at kasanayan ang mga residente ng mga barangay sa lungsod sakaling mayroong hindi inaasahang pangyayari.

Ito aniya ay ang mga sumusunod; disaster prevention and mitigation, disaster preparedness, disaster response at disaster recovery and rehabilitation.

Sa ilalim ng mga naturang paksa ay nakapaloob ang mga aktibidad na kinakailangang isakatuparan gaya na lamang ng tree planting, declogging o riprapping, clean-up drive, paglalagay ng mga flood lights sa dalawang ilog sa lungsod, community based monitoring system, solid waste management program at risk mapping para sa disaster prevention and mitigation.

Habang tinalakay din dito ni Ibarra ang pag-coconduct ng training at seminar para madagdagan ang kaalaman ng bawat isa at malinang ang kanilang kasanayan pagdating sa rescue operations, regular na pagssagawa ng fire at earthquake drill, pagkakaroon ng early warning system, information education campaign sa iba’t-ibang institusyon sa lungsod at iba pa na bahagi ng disaster preparedness.

Dagdag pa dito ang pagsasagawa ng early recovery at post disaster needs assessment, pagbuo ng standard operating procedures (SOP) at Disaster Operation Network (DON) Command Centers para sa mabilis na pag-aksiyon sa mga magiging biktima ng anumang kalamidad.

Kinakailangan din aniya para sa disaster recovery at rehabilitation ang pagkakaroon ng probisyon na kung saan mabibigyan ng financial assistance mapa burial, medical, shelter o agriculture ang mga masasalanta ng bagyo o lindol, livelihood assistance at skills training para sa mga ito, supplemental feeding during and after disaster at pagsasa-ayos ng mga pasilidad ng lokal na pamahalaan.

Kaakibat ng bawat kategoryang ito ang paglalaan ng karampatang pondopara sa pagsasakatuparan ng mga inilahad na plano at aktibidad ng LCDRRMC para sa taong 2018 hanggang 2020.

Tinatayang aabot sa ₱67,390,000.00 ang kinakailangang budget ng nasabing opisina para sa susunod na taon na kanilang inaasahan na maaprubahan ng konseho. (PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.