Aabot sa tinatayang mahigit na P5 milyong pisong pondo para sa mga pagawaing imprastraktura ang ipagkakaloob ni 2ndDistrict Congressman Vic...
Aabot sa tinatayang mahigit na P5 milyong pisong pondo para sa mga pagawaing imprastraktura ang ipagkakaloob ni 2ndDistrict Congressman Vicente “Kulit” Alcala sa lungsod ng Bagong Lucena.
Ito ang magandang balita na inihayag ni Congressman Kulit Alcala para sa mga mamamayan ng lungsod matapos ang ginawang pamamahagi ng mga canopy tent sa lahat ng kapitan ng barangay sa Lucena kamakailan.
Sinabi pa ng kongresista na sa laki ng halaga ng pondong nabanggit ay tiyak na mababawasan na ang bilang ng mga paaralan sa lungsod na may kakulangan sa silid aralan.
Aniya, batay sa kanilang napagkasunduan, ang mga pagawing imprastraktura, tulad ng mga school buildings, ay ipagagawa ni Congressman Kulit Alcala habang ang mga social services naman ay sasagutin ni Mayor Dondon Alcala.
Pahayag pa rin ng kongresista, batay sa pag-uulat sa kaniya ni DPWH Quezon-II District Engineer Nestor Cleopas, sa ngayon ay nasa bidding na ang ilan sa mga proyektong ito habang ang iba naman ay isasalialim na rin sa naturang proseso at inaasahan na bago pa man matapos ang taon ay na-i-bid na ang mga ito.
Lubos naman ang naging pasasalamat ni Mayor Dondon Alcala sa kaniyang tiyuhin na si Congressman Kulit Alcala sa ipagkakaloob na pondong ito para sa lungsod ng Bagong Lucena na tiyak ay marami ang makikinabang particular na ang mga estudyanteng Lucenahin.
Ang magandang samahan na ito nina Congressman Kulit Alcala at Mayor Dondon Alcala ay isang pagpapakita lamang na kapag ang mga opisyales ng distrito ay nagtutulunagan at nagkakaisa ay tiyak na makikinabang ang lahat ng mga nasasakupan ng mga ito. (PIO Luena/ R. Lim)

Ayon kay Congressman Alcala, kaniyang pinadagdagan ang pondo para sa mga pagawaing imprastraktura na ipinagkakaloob sa kaniyang tanggapan at umabot ito ng mahigit sa P1.4 bilyong piso na kung saan ang mahigit sa P5 milyong piso dito ay ibibigay niya sa lungsod ng Bagong Lucena.
Sinabi pa ng kongresista na sa laki ng halaga ng pondong nabanggit ay tiyak na mababawasan na ang bilang ng mga paaralan sa lungsod na may kakulangan sa silid aralan.
Dagdag pa ng kongresista, nagkaroon na rin aniya sila ng pag-uusap ni Mayor Alcala pagdating sa mga programa at proyekto para sa lungsod.

No comments