by Nimfa L. Estrellado Lucban, Quezon –Ang kagalang-galang na punong bayan ng Lucban, Quezon, Mayor Celso Olivier T. Dator ay pinagk...
by Nimfa L. Estrellado
Lucban, Quezon –Ang kagalang-galang na punong bayan ng Lucban, Quezon, Mayor Celso Olivier T. Dator ay pinagkalooban ng Leadership Achievement Award in Public Service sa isang seremonyang isinagawa kamakailan sa Solaire, Manila. Sa kanyang mensahe ng pasasalamat, sinabi ni Mayor Dator na, “Sa bawat apak natin sa entablado upang tumanggap ng pagkilala ay palaging naririyan sa ating isip na ginagawa natin ang mahusay nating paglilingkod sapagkat ito talaga ang gawain ng isang tunay na Lingkod Bayan, ang magbigay ng Serbisyo sa lahat ng mamamayan, mga minamahal kong kababayan dito sa Lucban. Ang pagkilala pong ito ay para sa inyong lahat. Mabuhay ang Bayan ng Lucban! Muli po Panginoon ang aming Pasasalamat sa lahat ng iyong Pagpapala sa amin, sa kabila ng napakaraming mga balakid ay nariyan ka po palagi upang magpaalala sa amin ng iyong kabutihan. Maraming Salamat po."
“Mayor Dator is more than deserving the award for Leadership Achievement Award in Public Service, for having consistently demonstrated excellent leadership, commitment and dedication as the chief executive of Lucban. At ganoon din naman, ang bayan ng Lucban, for providing timely, significant, and outstanding services to its constituents. Alam namin si Mayor Dator ay hindi tumitigil sa paglilingkod at pagtulong sa kanyang mga kababayan simula nang siya ay manungkulan bilang punong bayan. At iyan ay isang mabuting huwaran na dapat pahalagahan at bigyan ng pagkilala”, pahayag ng isang taga DepEd na hindi na nagpabanggit ng pangalan sa isang ekslusibong panayam dito.
Ang sinabi ng isang taga DepEd ay sinigundahan at pinatunayan ng mismong mga taga-Lucban, mga kapitan at kagawad ng barangay, mga guro at mag-aaral, mga driver ng tricycle at mga manininda sa pamilihang bayan na sa on-the-spot at random interviews na isinagawa ng sumulat nito ay nagpahayag ng kanilang saloobin, pasasasalamat at buong suporta para sa kanilang punong bayan.
“Ang lahat po ng mga programang isinagawa ni Mayor Dator simula nang kanyang unang araw ay tagumpay at pinakikinabangan naming lahat. Kaya kami po ay tuwang-tuwa at labis na nagpapasalamat sa kanya. Hindi kami nagkamali ng pagpili sa kanya,” pahayag ng kapitan ng isang barangay na hindi rin nagpabanggit ng pangalan. Ang lahat ng mga programa na kasama sa executive at development agenda ng administrasyong Dator ay naisagawa at matagumpay na pinakikinabangan ng mga Lucbanin.
Ang pangunahing pinagtutuunan ay ang kalusugan, edukasyon peace and order at livelihood.
No comments