Upang mas maging epektibo ang pagtrabtrabaho ng mga garbage colletors ng lungsod, hiningi ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang tulong ng ...
Upang mas maging epektibo ang pagtrabtrabaho ng mga garbage colletors ng lungsod, hiningi ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang tulong ng mga eco-aide sa sanitary landfill ng lungsod.
Inihayag ni Mayor Dondon Alcala ang kahilingang ito sa ginanap na Christmas party ng mga eco-aide kamakailan.
Inihayag ni Mayor Dondon Alcala ang kahilingang ito sa ginanap na Christmas party ng mga eco-aide kamakailan.
Ayon kay Mayor Alcala, sakali aniyang mayroong mga pasaway na garbage collectors na hindi ginagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin ay ipagbigay alam agad ito sa kaniyang tanggapan.
Particular na aniya ay ang pagkuha ng mga maaring ipagbenta na kalakal sa mga truck gayundin ang pagbebenta ng mga ito sa mga junk shop sa lungsod.
Personal rin niyang ibinigay sa mga ito ang kaniyang cellphone number upang agad na maipagbigay alam ang mga maling ginagawa ng mga pasaway na garbage collectors.
Ayon sa alkalde, sakali aniyang walang laman na mga kalakal ang mga truck ng basura na nagtungo sa sanitary landfill ay kinakailangan lamang na tandaan ng mga ito ang numero ng garbage truck at kung anung oras ito nagbaba ng basura sa landfill.
Samantala, nagbigay paalala naman si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga garbage collectors na sakaling mapatunayan ang mga ibinibintang sa kanila ng mga nagtext ay maaring patawan niya ang mga ito ng kaukulang suspension.
Nakiusap rin ang punong lungsod sa lahat ng mga maaring magtext sa kaniya na tanging ang mga ibibigay lamang ng mga itong impormasyon ay totoo at hindi iyong mga basta lamang o kundi kaya ay kagalit lamang ang mga isinusumbong.
Ang ginawang paghingi ng tulong na ito ni Mayor Alcala sa mga eco-aide ng sanitary landfill ay dahil na rin sa kagustuhan niyang mas maging maayos ang kanilang samahan lalo’t higit ang mapalaki ang kinikita nila sa kanilang kooperatiba.
Isang paraan rin ito ni Mayor Dondon Alcala na malaman sa lahat ng empleyado ng pamahalaang panlungsod kung sino ang gumagawa ng anumalya dahil isa sa mga hinahangad niya para sa city government ay ang pagiging transparent ng lahat ng opisina dito. (PIO Luena/ R. Lim)
No comments