Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala, nagpasalamat sa Housing and Land Use Regulatory Board sa pagpili nito sa DonVictor Ville na pagtayuan ng 300 kabahayan

Nagpasalamat si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) partikular na kay Atty. Lloyd Christopher L...

Nagpasalamat si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) partikular na kay Atty. Lloyd Christopher Lao, Chief Executive Officer and Commissioner ng naturang tanggapan sa pagpili ng DonVictor Ville na pagtayuan ng 300 kabahayan.

Ito ang naging pahayag ng alkalde sa ginanap na regular flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlungsod kamakailan.

Ayon kay Mayor Dondon Alcala dahilan sa kakaunti ang pondo ng Local Government Unit (LGU) ng lungsod para sa proyektong pabahay na ito ay tutulong ang HLURB at sila na mismo ang magpo-pondo ng konstruksiyon ng karagdagang tatlong daang kabahayan sa DonVictor Ville sa bahagi ng Silangang Mayao.

Kaugnay nito hinikayat ng alkalde ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan, job order man o permanent na wala pang sariling tahanan na mag-avail ng proyektong ito dahil bahagi ang mga kawaning ito sa binanggit ng kinatawan mula sa HLURB na kinakailangan ding alukin at maisama sa programa nitong pabahay.

Kasama sa mga empleyadong maaaring kumuha nito ay ang mga government employees maging ng nasyunal na ahensya gaya ng Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP) at iba pa.

Kaakibat ng pagsailalim sa maayos na proseso ng aplikasyon ng mga ito para maging benepisyaryo ng nasabing pabahay ay ang pag-amyenda ng Sangguniang Panlungsod sa DonVictor Ville upang maging kwalipikado ang mga ito sa hinihinging requirements ng HLURB.

Ibinahagi din ni Mayor Alcala ang ilan sa mga pagbabago dito gaya ng mula sa original design na 27 square meters ay dadagdagan ito ng 13 square meters at may kabuoang 40 square meters na.

Ibig sabihin lamang aniya itataas ito at lalo pang pagagandahin upang nang sa gayon ay mas maging maalwan at malawak para sa mga mapipiling benepsyaryo nito ang kanilang tahanan. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.