Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala, pinasalamatan si Congress Kulit Alcala sa pagkakaloob nito ng iba’t-ibang proyekto sa lungsod

Pinasalamatan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala si 2nd District of Quezon Congressman Vicente ‘Kulit’ Alcala sa pagkakaloob nito ng iba’t-i...

Pinasalamatan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala si 2nd District of Quezon Congressman Vicente ‘Kulit’ Alcala sa pagkakaloob nito ng iba’t-ibang infrastructure projects sa lungsod.

Ito ang naging pahayag ng alkalde nang siya ay dumalo bilang kinatawan ni Congressman Kulit Alcala sa isinagawang selebrasyon ng Rotary Club of Lucena South para sa kanilang ika-47 taong anibersaryo kamakailan.

Ayon kay Mayor Dondon Alcala, ang nasabing congressman ng segunda distrito ng lalawigan ng Quezon kung saan kabilang ang lungsod ay isa sa mga binibigyang prayoridad nito ng mga proyekto gaya na lamang aniya ng underpass project sa may bahagi ng Diversion Road.

Dagdag pa dito, bunga ng kaniyang inisiyatibo ay kasalukuyan ng ginagawa ang tulay mula Dalahican papuntang Cotta gayundin ang tulay na magdudugtong sa Brgy. Mayao Parada at Talao-Talao.

Ilan lamang ito sa mga infrastructure projects na pinasimulan ng nasabing congressman at kasalukuyang isinasagawa sa lungsod.

Ibinahagi din ng alkalde na kapag maganda ang ugnayan ng Mayor at Cognressman ay natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayang Lucenahin sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga programa at proyektong lubos na pakikinabangan ng mga ito.

Ang maayos at magandang samahan ng dalawang opisyales na ito ang siyang dahilan kung bakit patuloy ang pag-unlad at paglago ng ekonomiya ng lungsod. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.