Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala, pinuri ang mga programa at proyektong ginagawa ng Rotary Club of Lucena South sa lungsod

Upang higit na maibigay ang mga serbisyong panlipunan na handog ng Pamahalaang Panlungsod sa pangunguna ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala s...

Upang higit na maibigay ang mga serbisyong panlipunan na handog ng Pamahalaang Panlungsod sa pangunguna ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa mga nangangailangang mamamayang Lucenahin ay nakikipag-ugnayan ito sa iba’t-ibang ahensya at non-government organization (NGOs).

Kaugnay nito ay isa ang Rotary Club of Lucena South sa mga organisasyon na tumutulong sa mga mamamayan ng lungsod sa pamamagitan ng kanilang mga outreach programs katuwang ang lokal na pamahalaan.

Sa isinagawang 47th Anniversary ng naturang samahan sa Queen Margarette Hotel Downtown kamakailan ay personal na dumalo si Mayor Dondon Alcala upang maipakita ang kaniyang pagsuporta sa misyon at adhikain nito para sa mas maunlad at progresibong komunidad.

Ayon sa alkalde, hindi aniya maibibigay ng city government ang mga serbisyong hatid nito sa mga nangangailangan kung wala ang suportang ibinibigay ng Rotary Club of Lucena South sa pamamagitan ng mga proyekto at programa nito.

Dagdag pa ni Mayor Alcala, ang pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga miyembro at opisyales ng nasabing organiasyon ay pagpapatunay lamang na ang mga katangiang ganito ang kinakailangan ng mabisang pundasyon para sa kaunlaran at pagbabago.

Binubuo ang Rotary Club of Lucena South ng mga mamamayan ng Lucena na karamihan ay negosyante at propesiyunal na mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Tungkulin umano ng organisasyong ito na maibahagi ang kanilang biyaya na natatanggap sa mga kapos –palad na miyembro ng isang komunidad upang nang sa gayon kahit papaano ay kanilang maramdaman na mayroon silang kaagapay sa hirap ng buhay.

Ang Rotary Club of Lucena South ay nagsasagawa ng mga aktibidad na naaayon sa mga prinsipyong pinanghahawakan at pinaniniwalaan ng nasabing organisasyon at ng bawat miyembro nito na ang tanging layunin ay ang makapagbigay ng positibong epekto sa bawat kababayan nito. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.