Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Palicpic “Share a Smile” at Mobilization Program, matagumpay na isinagawa

Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic Pagbilao, Quezon -- Inanyayahan ng Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ni Mayor Shierre Ann Po...

Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic


Pagbilao, Quezon -- Inanyayahan ng Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang piling dalawampu’t-pitong (27) pamilya mula sa iba’t-ibang barangay sa Pagbilao para sa Share a Smile Program, kamakailan sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium.

Sa programa, nagpasaya ang butihing punong bayan kasama si Municipal Administrator Ian Palicpic sa bawat pamilya sa pamamagitan ng mga palaro at mga munting handog katulad ng bigas, noche buena items, grocery items, at electric- and solar-powered lamp.

Bukod sa Share a Smile Program, nagsagawa na rin ng iba pang gift-giving activities si Mayor Palicpic sa iba’t-ibang barangay at mga samahan. Samantala, magkakaroon din ng gift-giving activity ang Pagbilao Municipal Employees Association (PaMEA).

Napuno din ng saya at tawanan ang Municipal Covered Court kamakailan sa isinagawang People’s Mobilization at Christmas Party para sa mga iskolar ng Bayan ng Pagbilao. Nakisaya sa aktibidad si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic na siyang may akda ng ordinansa na lumikha sa Scholarship Program ng Pamahalaang Bayan noong taong 2012.

Bukod sa iba’t-ibang palaro, nagkaroon din ng raffle draw sa pangunguna ng butihing punong bayan. Tumbler, spaghetti pack at rechargeable desk fan ang mga papremyo sa raffle draw. Nagbahagi rin ng payong si Mayor Palicpic sa bawat isang iskolar.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat ang punong bayan sa mga iskolar na tumangkilik sa masayang pagtitipon.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.