Lunsod ng Lucena, Quezon -- Bilang papugay sa mga kababayang Quezonian na patuloy na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya sa ibang bans...
Lunsod ng Lucena, Quezon -- Bilang papugay sa mga kababayang Quezonian na patuloy na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya sa ibang bansa, isinagawa nitong ika-8 ng Disyembre ang Provincial Migrant’s Day Celebration: Pasasalamat sa Overseas Filipinos sa SM City Lucena, Event Center.
Sa buong pwersang pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan, Provincial Gender and Development Office at ng iba pang mga National Government Office matagumpay na bingyang-pugay ang higit 100 na mga OF’s at kanilang mga kaanak sa nasabing pagdiriwang. Dito kinilala ang mga sakripisyong ginawa nila sa ibang bansa para lamang sa kapakanan ng kani-kanilang pamilya.
Nagbahagi ng kanilang mga karanasan ang ilan sa mga natatanging OF na nagpakita ng kahusayan sa negosyo at agrikultura matapos ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sila ay sina Benedicto Malaluan, isang rice farmer mula sa bayan ng Candelaria, Domingo Marasigan, isang corn farmer mula sa bayan ng Sariaya na kapwa Gawad Saka awardees at Julietta Rodillas ang nagmamay-ari ng sikat na Rodilla’s Yema Cake Bakery sa bayan ng Tayabas.
Malaki ang pasasalamat ni PGAD department head Ofelia Palayan sa mga nakiisang miyembro ng Province of Quezon, Provincial Committee on Migration and Development. Kaugnay nito ay nagpasalamat din siya sa mga kawani ng pamahalaan na nakibahagi sa nasabing pagtitipon at sa SM City Lucena para sa matagumpay na aktibidad.
Nagpasalamat rin ang mga OF sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. David C. Suarez dahil sa mga nakalaang programa na patuloy na nagbibigay suporta sa kanila. Para sa kanila, iba pa rin ang pakiramdam ng nasa sariling bayan. Anila, ang maituring na bayani ng bansa ay isang malaking karangalan, ngunit ang pagiging bayani para sa kanilang pamilya ay walang katumbas na anumang salapi. (Quezon-PIO)

No comments