Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga senior citizens sa iba’t-ibang barangay sa lungsod, pinasaya ni Mayor Dondon Alcala

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng taunang Christmas party ng iba’t-ibang sector sa lungsod, pinasaya ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang na...

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng taunang Christmas party ng iba’t-ibang sector sa lungsod, pinasaya ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nakatatandang sector sa lungsod.
Ito ay matapos na dumalo ang alkalde sa pagdiriwang ng naturang okasyon sa iba’t-ibang barangay sa Lucena.

Halos ilang araw rin na nag-ikot sa buong kalunsuran ang punong lungsod upang magtungo sa kasiyahan ng mga ito.

Nakatuwang naman dito ni Mayor Alcala ang iba’t-ibang kapitan ng barangay, at mga kagawad sa lugar na nagsasagawa ng nasabing chirstmas party.

Bakas na bakas naman ang katuwaan sa ngiti ng mga senior citizens nang Makita si Mayor Dondon Alcala at labis na nagpasalamat ang mga ito sa pagtungo ng alkalde sa kanilang ginaganap na pagdiriwang.

Sa isa pang pagkakataon, naging emosyonal ang presidente ng senior citizens ng Brgy. Mayao Parada na is Beltran Labasan, dahilan sa labis na katuwaan sa pagtungo ng punong lungsod sa kanilang lugar.

Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na nakasalamuha nila si Mayor Alcala sa pagdiriwang ng ganitong uri ng aktibidad na anila ay maituturing nilang isang maagap na papasko sa kanilang mga nakakatandang sector ng kanilang barangay.

Sa naging pananalita naman ni Mayor Alcala sa bawat Christmas party na tinutungo nito, agad na humihingi ito ng paumanhin sa hindi niya pagtatagal sa pagdiriwang at ito ay dahilan sa dami ng mga tinutungo niyang katulad na okasyon ngunit sa kabila ng dami ng lakad nito ay hindi aniya maaring hindi niya daluhan ang isa sa mahahalgang okasyon ng mga senior citizens tuwing kapaskuhan.

Lubos ring nagbigay pasasalamat si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga senior citizens dahilan aniya sa ginawa ng mga ito, sa pagbibigay ng payo at pagpapalaki ng mga ito sa mga kabataan noon na siya ngayong humuhubog ng ating lungsod.

Kaniya ring inihalad sa mga lolo at lola na dumalo dito ang iba’t-ibang mga programa at proyekto na nakalaan para sa mga ito at patuloy pa rin aniya siya na nag-iisip ng iba pang programa para sa kapakinabangan ng naturang sector.

Isa lamang ang sector ng mga senior citizens na binibisita ni Mayor Dondon Alcala na nagdiriwang ng nabanggit na pagdiriwang at ito ay bilang pagpapakita niya ng pasasalamat sa pagtulong at pagsuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod. (PIO Luena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.