Tayabas, Quezon -- Ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay namahagi kamakailan ng mga gift packs na naglalaman ng mga gr...
Tayabas, Quezon -- Ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay namahagi kamakailan ng mga gift packs na naglalaman ng mga grocery sa may 265 pamilya mula sa barangay sa lungsod na ito kamakailan.
Ang pamamahagi ay idinaos sa NGCP substation sa Lungsod Tayabas na sinaksihan ng mga lokal na mamamayag ng lalawigan ng Quezon.
Sinabi ni Paul Hernandez, regional communication officer ng NGCP, ang pamamahagi ng maagang pamasko ay bahagi ng kanilang corporate social responsibility program na naglalayong matulungan ang mga residente ng nasabing barangay na kabilang sa host community ng NGCP.
Ang National Grid Corporation of the Philippines ay pribadong tanggapan na siyang nagangasiwa ng mga malalaking tore at transmission lines na may matataas na boltahe ng kuryente.
Sa pamamagitan ng mga tore at transmission line, naita-transmit ang mga kuryente mula sa mga planta ng kuryente patungo sa mga transmission facility ng MERALCO hanggang makarating sa mga kabahayan, mga pagawaaan o establisimyento.
Ang NGCP ay katuwang din ng pamahalaan sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa kagaya ng pangangalaga sa kalikasan at tumutulong din ito sa mga paaralan lalo na sa kanilang mga host community. (GG/Ruel Orinday, PIA-Quezon)

No comments