Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) IV-A ang Regional Culminating activity ng 18-Day campaign to end Violen...
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) IV-A ang Regional Culminating activity ng 18-Day campaign to end Violence Against Women and Children, International Day Against Trafficking at Human Rights Consciousness Week sa Provincial Auditorium kamakailan.
Ayon kay 4th District Board Member Rowena Africa, Chairperson ng Committee on Social Welfare, dapat ipalaganap sa lahat ng kababaihan lalo na sa mga kabataan ang kanilang karapatan upang tuluyan nang mabawasan o maiwaksi ang pang-aabuso laban sa kanila.
“Sana po maisip natin na upang mas maging madali para sa atin na kalabanin ang VAWC ito ay dapat magmula sa ating mga sarili,”ani Africa.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si DSWD Assistant Regional Director (ARD) Annie Mendoza sa lahat ng katuwang na mga ahensya na kaagapay ng kanilang tanggapan sa pagtatanggol at pag-aasikaso sa mga pang-aabuso at trafficking laban sa kababaihan at kabataan.
“Dapat magsimula ito sa atin, sa ating komunidad, ang lahat ng halimbawa ay dapat tayo ang magpakita upang hindi mamulat lalo na ang mga kabataan sa masamang impluwensya at pag-uugali,” dagdag pa ni Mendoza.
Tampok sa programa ang forum kung saan tinalakay ang Online Sexual Child Exploitation (OSEC).
Ang International Justice Mission ay isang international organization na tinaguriang pinakamalaking anti-slavery group na may layuning mapigilan na ang pang aalipin sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Andrew Carranzo ng International Justice Mission, ang pokus ng kanilang tanggapan ang sex trafficking.
Ayon sa datos kung saan ang Pilipinas ang isa sa texting capital of the world, sanhi ng malaking bilang ng populasyon na gumagamit ng social media o internet kung saan karamihan ay mga kabataan.
Noong 2015, may mga pag-aaral na lumabas na ang Pilipinas ay kabilang sa Top 10 countries na may pinakamataas na kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan.
Sa pamamagitan ng National Center for Missing and Exploited Children, nabigyan ng cyber tip ang IJM na ang problema kaugnay ng OSEC sa Pilipinas simula 2012 ay umaabot sa 6,053 at tumaas ito sa 37,715 cases noong 2016.
Ayon kay Carranzo nakakaalarma ang mabilis na pagtaas ng kaso at karamihan ay nangyayari ito sa mga depressed areas kung saan ang mga bata ang nagiging kabuhayan maging ng kanilang mga magulang o kamag-anak dahilan sa katuwirang wala namang humahawak o gumagalaw sa kanila dahil sa internet lamang naman sila nakikita.
“Malaki po ang implikasyon nito sa mga kabataan dahil dala nila ito maging sa kanilang pagtanda kaya hindi dapat na magpatuloy ito, ang mga bata ay dapat pinapahalagahan dahil sila ang susunod na henerasyon,“ dagdag pa ni Carranzo.
Samantala, tinalakay rin ng mga kinatawan mula sa Department of Justice IV-A ang ilang mga kaalaman ukol sa violence against women and children at child trafficking at ang kahalagahan ng human rights na tinalakay naman ng kinatawan mula sa Commission on Human Rights IVA. (GG/BHABY P. DE CASTRO)

No comments