Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

P5 milyong pisong pondo para sa infrastructure project, ipagkakaloob ni Cong. Kulit Alcala

2nd District Congressman Vicente “Kulit” Alcala LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Aabot sa tinatayang mahigit na P5 milyong pisong pondo pa...

2nd District Congressman Vicente “Kulit” Alcala


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Aabot sa tinatayang mahigit na P5 milyong pisong pondo para sa mga pagawaing imprastraktura ang ipagkakaloob ni 2nd District Congressman Vicente “Kulit” Alcala sa lungsod ng Bagong Lucena. Ito ang magandang balita na inihayag ni Congressman Kulit Alcala para sa mga mamamayan ng lungsod matapos ang ginawang pamamahagi ng mga canopy tent sa lahat ng kapitan ng barangay sa Lucena kamakailan.

Ayon kay Congressman Alcala, kaniyang pinadagdagan ang pondo para sa mga pagawaing imprastraktura na ipinagkakaloob sa kaniyang tanggapan at umabot ito ng mahigit sa P1.4 bilyong piso na kung saan ang mahigit sa P5 milyong piso dito ay ibibigay niya sa lungsod ng Bagong Lucena.

Sinabi pa ng kongresista na sa laki ng halaga ng pondong nabanggit ay tiyak na mababawasan na ang bilang ng mga paaralan sa lungsod na may kakulangan sa silid aralan. Dagdag pa ng kongresista, nagkaroon na rin aniya sila ng pag-uusap ni Mayor Alcala pagdating sa mga programa at proyekto para sa lungsod.

Aniya, batay sa kanilang napagkasunduan, ang mga pagawing imprastraktura, tulad ng mga school buildings, ay ipagagawa ni Congressman Kulit Alcala habang ang mga social services naman ay sasagutin ni Mayor Dondon Alcala.

Pahayag pa rin ng kongresista, batay sa pag-uulat sa kaniya ni DPWH Quezon-II District Engineer Nestor Cleopas, sa ngayon ay nasa bidding na ang ilan sa mga proyektong ito habang ang iba naman ay isasalialim na rin sa naturang proseso at inaasahan na bago pa man matapos ang taon ay na-i-bid na ang mga ito.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Mayor Dondon Alcala sa kaniyang tiyuhin na si Congressman Kulit Alcala sa ipagkakaloob na pondong ito para sa lungsod ng Bagong Lucena na tiyak ay marami ang makikinabang particular na ang mga estudyanteng Lucenahin.

Ang magandang samahan na ito nina Congressman Kulit Alcala at Mayor Dondon Alcala ay isang pagpapakita lamang na kapag ang mga opisyales ng distrito ay nagtutulunagan at nagkakaisa ay tiyak na makikinabang ang lahat ng mga nasasakupan ng mga ito. (PIO Luena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.