Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagkakaroon ng playground sa sanitary landfill ng lungsod, ikinatuwa ng mga residene sa lugar

Ang pagkakaroon ng palaruan at ang makapaglaro ay isa sa mga karapatan ng mga kabataan sa buong bansa. Isang pagkakataon rin ito upang m...

Ang pagkakaroon ng palaruan at ang makapaglaro ay isa sa mga karapatan ng mga kabataan sa buong bansa.

Isang pagkakataon rin ito upang maging masigla at maging aktibo ang mga kabataan dahilan sa isang uri na rin ito ng ehersisiyo.

At dahil dito, isa sa ninais ng pamahalang panlungsod ng Bagong Lucena, sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na lagyan ng playground ang sanitary landfill ng lungsod.

Sa pagkakaroon ng ganitong uri ng pasilidad, bakas na bakas sa mga ngiti ng kabataan sa lugar ang kasiyahan at kagalakan na makapaglaro dito.

Ang playground na nabanggit ay mayroong seesaw, slides, cargo net na maaring akyatan ng mga maglalaro dito, chin-up bars at swings.

Sa naging pananalita ni Mam Rosei Castillo, ang OIC City General Services Officer, sa ilaim ng Solid Waste Management Section, natutuwa aniya siya sa pagkakaroon ng ganitong uri ng pasilidad sa lugar na kung saan ay nakikita niya sa tuwing magtutungo siya dito ay mayroon mga pamilya at mga kabataan na naglalaro at namamasyal dito.

Nagbigay tagubilin rin si Castillo sa lahat ng mga nagtutungo dito na kung maari ay panatilihin ang kalinisan sa playground at huwag magtatapon ng anumang basura dito.

Sa naging pahayag naman ni Mayor Dondon Alcala, malaki na aniya ang naging pagbabago sa sanitary landfill ng Lucena sa simula nang hawakan ito ni Mam Rosie Castillo.

At isa na nga dito ay ang pagkakaroon ng nasabing palaruan na kung saan ang kulang na lamang batay sa kahilingan ni mam Castillo ay mga upuan na siya naman agad na ianprubahan ng alkalde.
Sa pagkakaroon ng ganitong uri ng palaruan sa lugar, labis ang katuwaan ng mga residente dito lalo’t higit ang mga kabataan dahilan sa nagkaroon sila ng pasilidad na mapaglilibangan.

Bukod sa playground, isa rin sa binabalak na itayo ni Mayor Dondon Alcala dito ay ang basketball at volleyball court para naman sa mga mahihilig na maglaro ng ganitong uri ng sports.

Kung matatandaan, sa simula nang ipamahala ni Mayor Dondon Alcala kay, Mam Rosie Castillo, ang pangangasiwa sa nasabing lugar, sa loob lamang ng anim na buwan ay nabago niya ito mula sa pagiging open dump site ay naging sanitary landfill ito. (PIO Luena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.