Pinasalamatan ng pamunuan ng Lucena Manpower Skills Training Center (LMSTC) sa katauhan ni Criselda David, coordinator ng nasabing center s...
Pinasalamatan ng pamunuan ng Lucena Manpower Skills Training Center (LMSTC) sa katauhan ni Criselda David, coordinator ng nasabing center si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa patuloy na pagsuporta at pagtugon sa mga pangangailangan nito.
Sa naging pananalita ni David ay ipinabatid nito ang lubos na pasasalamat sa alkalde sa isinagawang regular flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlungsod kamakailan kung saan ang LMSTCang nagsilbi bilang host.
Sa kasalukuyan ay mayroon itong 12 kursong iniaalok sa mga mamamayang Lucenahin na walang trabaho o nabibilang sa sektor ng out of school youth , ilan rito ay ang Computer Hardware Servicing, Bread & Pastry Production/Baking, Dressmaking, Electrical Installation & Maintenance, Hair Science, Massage Therapy at marami pang iba.

Ang LMSTC ay nakikipag-ugnayan rin sa Technical Education Skills Development Authority (TESDA) upang lalo pang mas mapalawig ang mga kasalukuyang kurso na iniaalok nito sa mga mamamayan ng lungsod.
Ang mga nagsipagtapos dito ay kaagad ring nabibigyan ng trabaho sa tulong ng Public Employment Service Office. Ito ay ipinagkakaloob sa kanila upang kanilang magamit ng wasto ang mga pagsasanay at kaalaman na kanilang natutunan. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments