Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Peace and Order Campaign sa San Narciso, pinaigting

San Narciso Mayor Florabelle Uy Yap habang nakikipagpulong sa kapulisan sa Mayor’s Office nitong nakalipas na linggo. (Photo By San Narci...

San Narciso Mayor Florabelle Uy Yap habang nakikipagpulong sa kapulisan sa Mayor’s Office nitong nakalipas na linggo. (Photo By San Narciso Pio)


By Lolitz L. Estrellado

San Narciso, Quezon -- Higit na pinaiigting ang kampanya ng lokal na pamahalaan dito sa peace and order upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ang San Narciso Philippine National Police (PNP) na nangangasiwa sa kaayusan at katahimikan ng bayan at todong sinusuportahan ng kagalang-galang na punong bayan, Hon. Florabelle Uy Yap na nito lang nakalipas na linggo ay nakipulong sa kapulisan.

Binigyang-diin ni Mayor Yap na mahalaga maging masigasig ang lahat sa pagsugpo sa krimen at mapanatili ang kaligtasan ng mga tao sa lansangan ngayong holiday.

Tinalakay din sa nasabing pulong ang iba pang programa ng lokal na pamahalaan tulad ng kampanya laban sa drugs, pagtulong at pagsasanay pangkabuhayan ng mga drug surrenderees, paglalagay ng closed cicuit TV cameras sa bayan, at iba pa.

Ang hangad ng masipag na lady Mayor ay mapanatiling ligtas ang buong bayan ng San Narciso sa loob ng 24/7 sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaang bayan, ng pulisya at maging ng mga mamamayan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.