Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Taunang general assembly ng mga retired public school teachers sa lungsod, masayang isinagawa

Masaya at matagumpay na isinagawa ng mga retired public school teachers ang kanilang taunang Christmas party kamakailan. Ginanap ang nas...

Masaya at matagumpay na isinagawa ng mga retired public school teachers ang kanilang taunang Christmas party kamakailan.

Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa Saint Jude Multi-Purpose Cooperative Hall sa bahagi ng Brgy. Isabang, Tayabas City.

Dumalo naman bilang panauhing pandangal dito sina Mayor Roderick “Dondon” Alcala at Congressman Vicente “Kulit” Alcala.

Mapalad rin ang mga nagsipagdalong retired teachers dito dahil bukod sa nasabing dalawang opisyales, maswerte rin na nabisita ito ng isang artista na si Diana Meneses na naghandog sa kanila ng awitin at sayaw.

Sa naging pananalita ni Mayor Alcala sa lahat ng mga nagsipagdalo dito, snabi nito na natutuwa siya dahilan sa simula nang buuin ang samahang nabanggit at bagamat sa unang pagdiriwang ng kanilang Christmas party ay kakaunti lamang ang dumating dito, ang mga sumunod naming taon ng kanilang pagdiriwang ay patuloy na dumarami ang nakikibahagi sa okasyong ito.

Kaniya ring binigyang papuri ang lahat ng mga retired public school teachers dahilan sa mga naiambag ng mga ito para sa mga kabataan ngayon na aniya kung hindi dahil sa mga nagawa ng mga ito ay hindi maaabot ng mga kabataang ito ang kanilang kinatatayuan sa ngayon.

Sa pahayag naman ni Congresman Kulit Alcala, kaniyang binate ng maligayang pasko at manigong bagong taon ang lahat ng retired public school teachers na nagtungo dito.

Gayundin, labis rin aniya siyang natutuwa sa pagdalo sa nabanggit na okasyon na bagamat palagian na siyang iniimbitahan dito ay ito ang unang pagkakataon na magtungo at makipagdiwang dito.
Ang pagtungong ito ng magtiyuhing sina Mayor Dondon at Congressman Kulit Alcala ay bilang pakikibahagi at pagseselbbra ng isa sa mahalagang okasyon tuwing darating ang Kapaskuhan at bilang pagbibigay galang na rin sa isa sa mga humubog ng talino at kaalaman ng mga kabataang Lucenahin.

Isang paraan rin ito ng mga nabanggit na opisyales na ipakita ang kanilang pagsuporta sa hanay ng mga retiradong pampublokong guro na malaki ang naiambag hindi lamang sa mga kabataan kundi sa paghubog na rin ng ikalawang distrito ng lalawigan at ng lungsod ng Bagong Lucena. (PIO Luena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.