Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

17 mamamahayag sa Quezon, tumanggap ng certificate of appreciation mula sa DTI

TAYABAS, Quezon -- Mayroong 17 mamamahayag sa lalawigan ng Quezon ang tumanggap ng certificate of appreciation ng Department of Trade and I...

TAYABAS, Quezon -- Mayroong 17 mamamahayag sa lalawigan ng Quezon ang tumanggap ng certificate of appreciation ng Department of Trade and Industry (DTI)-Region 4A at DTI-Quezon provincial office sa idinaos na ‘media appreciation luncheon’ sa Tayabas City noong 28 Disyembre 2017.

Sa nasabing okasyon, pinasalamatan ni DTI Regional Director Marilou Quinco-Toledo at DTI Quezon OIC-Provincial Director Julieta Tadiosa ang 17 mamamahayag sa Quezon dahil sa walang sawang pagtulong ng mga ito sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na may kinalaman sa mga programang ipinatupad at ipinatutupad ng DTI sa lalawigan ng Quezon kasama na rito ang programa sa pagtatayo ng mga Negosyo Center sa iba’t ibang bayan ng Quezon.

“Nagpapasalamat din ako sa mga taga Philippine Information Agency (PIA) na katuwang namin o partner sa information dissemination ng aming mga programa,” sabi pa ni Dir. Toledo.

Kabilang sa mga mamamamahayag na tumanggap ng certificate of appreciation mula sa DTI sina Violet Cabral ng DWKI Kiss FM/ CBS 8; King Formaran ng Monday Times; Celine Tutor ng DZAT-Punto por Punto; Danny Estacio ng Manila Bulletin; Jose Marlon Jasay ng Radyo Natin; Leo Verayin ng Ruralite Newsweekly; Delfin T. Mallari, Jr. ng Philippine Daily Inquirer; Tony Sandoval ng Pilipino Star Ngayon; Ruel M. Orinday at Joselito M. Giron ng Philippine Information Agency–Quezon-Region4A; Ronald Agbaya ng Eye Watch; Arnelia A. Enelo ng Brigada News-FM; Eugene Lopez ng DWKI Kiss FM; Marites J. Balquiedra, May Duenas Formaran, Dick Cantos at Leonie Algire ng DWLC Radyo Pilipinas.

Samantala, binigyan din ng pagkilala ni Dir. Toledo ang panlalawigang tanggapan ng DTI sa lalawigan ng Quezon sa pangunguna ni OIC provincial director Julieta Tadiosa sa pagiging top performer nito sa buong region 4A o CALABARZON. (GG/R Orinday, PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.