Personal na nagtungo sa tanggapan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang bagong hepe ng BFP-Lucena na si Fire Chief Inspector Fernan Gil C...
Lungsod ng Lucena, Quezon -- Katulad ng nakaugalian ng lahat ng mga bagong hepe ng iba’t-ibang nasyunal tanggapan na magibgay ng kortesiya sa namumuno sa isang bayan o lungsod, personal na nagtungo ang bagong hepe ng BFP-Lucena sa tanggapan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kahapon ng umaga.
Pinangunahan ni Fire Chief Inspector Fernan Gil Cagampan ang kanilang tanggapan kasama ang ilan niyang mga tauhan sa pagtungong ito sa oipina ng alkalde. Sa kanilang papunta dito, mainit na tinanggap ni Mayor DOndon Alcala ang bagong hepe na ito at dito ay nagkaroon rin sila ng maiksing pag-uusap hinggil sa mga magiging programa at proyekto nito sa BFP-Lucena. Ayon kay BFP-Lucena Chief ang pagtungo niyang ito kay Mayor Alcala ay upang personal na makausap ito upang hingin ang suporta nito sa lahat ng kanilang gagawing mga programa at proyekto.
Ilan aniya dito ay ang pagsasagawa ng mga rescue training sa iba’t-ibang ahensya at sector sa lungsod. Dagdag pa nito na kaniya ring ipagpapatuloy ang lahat ng mga magagandang programa at proyekto na nasimulan ng dating BFP-Lucena Chief na si Mam Vilma Tuscano. Malugod namang inihayag ni Mayor DOndon Alcala angkaniyang buong pagsuporta sa bagong hepe ng BFP-Lucena at aniya sakaling mayroong mga pangangailangan ang mga ito ay huwag mag-atubiling sabihin ito sa kaniya at sakaling kaya niyang ipagkaloob ito ay agad niya itong ibibigay.
Sa puntong iyon, lubos na nagpasalamat si Sir Fernan Cagampan sa inihayag na pagsuportang ito ng puong lungsod sa kanilang tanggapan.
Ang bagong hepe ng BFP-Lucena na si Fire Chief Insp. Fernan Gil Cagampan ay tubong Cavite at huling naglingkod sa Silang, Cavite bago pa man napalipat sa lungsod ng Bagong Lucena habang ang dating hepe naman dito na si Mam Vilma Tuscano naman ay napalipat sa Tanauan City, Batangas. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments