LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang isinagawang blessing and turn-over ceremony ng mga bagong s...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang isinagawang blessing and turn-over ceremony ng mga bagong sasakyan ng pamahalaang panlungsod.
Isinagawa ang aktibidad na ito sa Lucena City Government Complex na kung saan ay nanguna sa pagbabasbas ng mga sasakayang nabanggit si Father Francis Binco.
Present rin dito sina Councilors Anacleto Alcala III, Vic Paulo, Benny Brizuela, ABC President Jacinto “Boy” Jaca, City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., City Budget Office head Mam Rosie Castillo at ilang mga empleyado ng city government.
Matapos ang isinagawang pagbabasbas dito ay sumakay sa ilang mga sasakyan ang nasabing mga opisyal at inikot ang paligid ng LCGC hanggang makarating sa kalsada papasok ng naturang establisyemento.
Dito ay binasbasan rin ni Father Boco ang kalsadang nabanggit upang mailayo sa disgrasya ang mga nagdadaan dito.
Kung matatandaan ay nagkaroon ng aksidente sa lugar na kinasangkutan ng dalawang motorsiklo kung kaya isinagawa dito ang nasabing blessing.
Ang mga binasbasang mga sasakyan ay kinabibilangan ng 2 ambulansya, 3 FB close van, 1 payloader, 1 road rolle, 2 HINO dump truck , 1 drop side truck, 3 motorsiklo, at 1 service vehicle na gagamitin naman para sa Lucena City Pound.
Ayon kay City Budget Officer Rosie Castillo, ang mga sasakyang nabanggit ay gagamitin para sa mga mas maayos at mabilis na pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod.
Buong ipinagmalaki rin ni Castillo na ang lahat ng mga ito ay brand new at dumaan ang lahat ng mga papeles nito sa tama at maayos na pamamaraan.
Dagdag pa rin ng hepe ng CBO na ang ilan sa mga sasakyang nabanggit ay maari ring gamitin sa oras ng sakuna at kalamidad tulad na lamang ng mga dump truck at ng drop side truck.
Samantala, nagbigay naman ng tagubilin si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga magiging driver ng mga sasakayang ito na ingatan ang mga ito upang sa ganun ay tumagal pa ang mga ito. (PIO Lucena/ E. Maceda)

No comments