Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Hiling na proyekto ng Lucban, aprubado na sa national gov’t

Presidential Spokesperson Harry Roque at Lucban Mayor Celso Olivier Dator  By Nimfa L. Estrellado Lucban, Quezon -- Ang mga prayoridad ...

Presidential Spokesperson Harry Roque at Lucban Mayor Celso Olivier Dator 


By Nimfa L. Estrellado

Lucban, Quezon -- Ang mga prayoridad na proyekto para sa bayan ng Lucban, Quezon na hiniling ni Mayor Celso Olivier “Oli” Dator sa mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay buong pusong ipinagkaloob at pinaglaanan na ng pondo. Ang pondong ito ay upang maisakatuparan sa lalong madaling panahon sa ilalim ng programang “Sama-sama, Tulong-tulong para sa Pagbabago at Pag-asa ng Bayan ng Lucban.

Sa pakikipagpulong ni Mayor Dator kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa Malacañang, kasama ang masisipag na konsehal ng Lucban na sina Kon. Andak Salvatierra, Kon. Jun Ver, Kon. Arnel Abcede at Kon. Howard Cadiz, sinabi ni Roque na magpapadala ito ng unang P5-milyong para sa Brick Laying ng proposed Calle Hermano Pule, para sa pagpapaunlad ng Turismo sa Lucban.

Nauna rito, nakipag-usap din sina Mayor Dator kay Department of Agriculture Executive Director Arnel De Mesa, na nag-apruba rin sa mga hiniling nilang programa sa agrikultura. Nagpahayag ng lubos na pasasalamat ang butihing punong bayan ng Lucban kay Pangulong Duterte at kay Sec. Roque sa pagkakaloob ng mga pangunahing programa ng kanyang administrasyon para sa patuloy na pag-unlad ng kanyang bayan at pag-aangat ng kabuhayan ng mga Lucbanin.

“Salamat po sa mga tulong ninyo sa Bayan ng Lucban Mahal naming Sec. Harry Roque, asahan po namin ang Ribbon Cutting at Blessing ng ating Calle Hermano Pule sa darating na Mayo 1, 2018 sa opening ng ating Pahiyas Festival ganundin po ang mga proyektong Brgy. Hall, Daycare Center, Bagong Firetruck para sa BFP at karagdagang Ambulansya para sa aming Rural Health Center. Godbless po!” pahayag ni Mayor Dator.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga iba pang sumusuporta sa kanyang mga programa.

“Maraming Salamat po Sir Jun Lozada sa inyong tulong sa aming Bayan ng Lucban, Pioneer program for Safe Philippines Software, malaking tulong para sa Peace and Order, gayundin sa ating Disaster and Emergency, Milyong pisong Programa ipagkakaloob sa atin ng Libre at pasisimulan sa ating Bayan ang pag pilot ng programang ito bago ipatupad sa Buong Pilipinas. Godbless po! Sama-sama, Tulong-tulong para sa Pagbabago at Pag-asa ng Bayan ng Lucban. Go Lucban Kasiglahan 2022!,” dagdag na pahayag ng magaling at masipag na mayor ng Lucban, Hon. Celso Olivier “Oli” Dator.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.