Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kauna-unahan Flag Raising Ceremony ng Pamahalaan Panlungsod ngayong 2018 pinangunahan ng City Budget Office

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sa pagsisimula ng Bagong Taon ng mga empleyado sa Lucena City Government Complex, pinangunahan ng City Budg...



LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sa pagsisimula ng Bagong Taon ng mga empleyado sa Lucena City Government Complex, pinangunahan ng City Budget Office ang pagsasagawa ng regular flag raising ceremony kamakailan.

Nanguna sa naturang aktibidad na ito ang hepe ng naturang tanggapan na si Mam Rosie Castillo na siya ring tumatayaong OIC ng City General Services Office.

Present rin dito ang ama ng lungsod na si Mayor Roderick “Dondon” Alcala at ilang mga konsehal na sina Benny Brizuela, Dan Zaballero, Nilo Villapando, Vic Paulo at ABC President Jacinto “Boy” Jaca.

Maging sina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., mga kapitan ng barangay, mga executive assistants, department heads at mga empleyado ng pamahalaang panlungsod ay nakibahagi rin sa nasabing programa.

Matapos ang pag-awit ng pambansang awit at Lucena Hymn ay nagbigay ng pampasiglang bilang ang mga empleyado ng naturang host na tanggapan.

Matapos nito ay inilahad na ni Mam Rosie Castillo ang mga naging accomplishment ng kanilang opisina.

At ilan dito ay ang pag-apruba sa mga budget ng iba’t-ibang tanggapan, mga kahilinan ng mga kapitan para sa kanilang barangay, at mga programa at proyekto ni Mayor Dondon Alcala para lungsod ng Lucena.

Binigyang pasasalamat rin ni Budget Officer Castillo si Mayor Alcala sa patuloy nitong pagsuporta sa kanilang tanggapan.

Samantala, sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, kaniya ring binigyang pasasalamat ang City Budget Office, lalo’t higit si Mam Rosie Castillo sa pag-apruba nito sa lahat ng mga budget para sa pangangailangan ng mga programa at proyekto na pinakikinabangan ngayon ng mamamayang Lucenahin.

Kaniya ring inihayag dito ang kaniyang patuloy na pagsuporta sa kanilang tanggapan lalo’t higit sa ikabubuti pa ng kanilang ahensya. (PIO Lucena/ E. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.