LUNGSOD LUCENA, Quezon -- Maaaring manalo ng P1M ang isang miyembro ng Pag-IBIG sakaling mabunot sa grand draw ng Pag-IBIG dagdag promo – p...
LUNGSOD LUCENA, Quezon -- Maaaring manalo ng P1M ang isang miyembro ng Pag-IBIG sakaling mabunot sa grand draw ng Pag-IBIG dagdag promo – part 2 na idaraos sa 01 Mayo 2018.
Ayon kay Michael Ragaza ng Pag-IBIG- Lucena City branch, kailangan na ang miyembro ay may buwanang kontribusyon na hindi bababa sa P600.
Bukod dito kailangang magparehistro sa www.pagibigfund.gov.ph ang miyembro upang makasali sa raffle gamit ang Pag-IBIG membership identification number at iba ang kaukulang impormasyon.
Sinabi pa ni Regaza na nagsimula ang promo noon pang 01 Hulyo 2017 kung saan ang first quarter draw ay idinaos noong 27 Oktubre 2017 at may mga nanalo na din aniya ng cash prize at mga cellphones na miyembro ng Pag-IBIG mula sa lalawigan ng Quezon.
Ang 2nd quarter draw ay idaraos sa 26 Enero 2018 samantalang ang grand draw ay sa 01 Mayo 2018 kung saan ay may mananalo ng P1M.
Bukod dito may mananalo rin ng halagang P500,000 na dalawang miyembro; P250,000 na dalawang miyembro at P100,000 na siyam na miyembro ng Pag-IBIG.
Samantala, may mananalo rin ng smartphones na 54 na miyembro ng Pag-IBIG na kasama sa raffle. (GG/Ruel Orinday with PIA-Quezon)

No comments