Lungsod ng Lucena, Quezon -- Upang mas maipatupad ng maayos ang lahat ng mga programa at proyekto sa lungsod ng Bagong Lucena, kumuha ng il...
Lungsod ng Lucena, Quezon -- Upang mas maipatupad ng maayos ang lahat ng mga programa at proyekto sa lungsod ng Bagong Lucena, kumuha ng ilang mga bagong sasakyan ang pamahalaan panlungsod para dito.
Ayon kay Mam Rosie Castilllo, ang head ng City Budget Office, ang pag-acquire ng mga sasakyang nabanggit ay batay na rin sa atas ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala bago pa man ito umalis noong nakaraang taon.
Ang mga bagong sasakyan na ito ay kinabibilangan ng 2 ambulansya, 3 FB, 1 pay loader, 1 road roller, 2 HINO Garbage truck, 1 drop side truck, 3 motorsiklo, at service vehicle para sa lucena city pound at ang lahat ng mga ito ay mga brand new.
Ito aniya ay upang mas maipatupad at maibigay ng maayos at mabilis ang mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod sa mga mamamayan ng Lucena. Inilahad rin ng City Budget Officer ang paggagamitan ng mga bagong sasakyan na ito na kung saan ang karamihan sa mga ito ay maaring gamitin para sa pagrescue sakaling mayroong mga dumating sa kauna sa ating lungsod.
Dagdag pa ni Mam Castillo, ang pagkuha sa lahat ng mga sasakyang nabanggit ay dumaan sa tamang proseso at procurement law bago pa man kunin ang mga ito. Sa ngayon, ayon pa rin kay Mam Rosie Castillo, magpapatawag ng pagpupulong si Mayor Dondon Alcala sa mga opisinang mapagkakalooban ng mga ito gayundin ang mga magiging driver ng mga sasakyang nabanggit.
Bukod pa aniya sa mga bagong sasakyan na ito ay ay mayroon pa ring paparating na bulldozer at isang disaster rescue vehicle sa susunod na buwan dahilan sa naubos lamang ang mga ganito ng stock sa kanilang pinagkunan.
Sa huli ay nagbigay rin ng tagubilin ang hepe ng City Budget Office na si Mam Rosie Castillo sa lahat ng mga tanggapan na mapagkakalooban nito lalo’t higit ang mga driver dito na paka-ingatan at gamitin ng maayos. Ang mga sasakyang nabanggit upang mas tumagal pa ang mga ito.

No comments