Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

2018 Barangay Election, dapat ituloy ayon kay Brgy Kapitan Melo Emralino

by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales Brgy. Poblacion Candelaria, Quezon – “Dapat ituloy ang 2018 Barangay Election” ito ang paninindigan ni ...

by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales

Brgy. Poblacion Candelaria, Quezon – “Dapat ituloy ang 2018 Barangay Election” ito ang paninindigan ni Barangay Kap. Melo Emralino ng Brgy. Poblacion Candelaria, Quezon – sa isang eksklusibong panayam ng Tribune Post ay sinabi ni Emralino na nasasaad sa batas ang eleksyon sa Barangay sa darating na Mayo 2018 kaya dapat lamang ituloy ito – kaya dapat lamang umanong dumaan sa isang demokratikong proseso ang sinumang uugit ng pamahalaan sa barangay. Aniya, dapat diumanong sabihin ang magandang dahilan kung bakit kailangang hindi ituloy ang barangay eleksyon. Nanindigan itong si Barangay Captain Melo Emralino na dapat palitan ang mga nahalal sa barangay na tulad niya kung ang mga ito ay hindi nagtatrabaho at hindi ginagampanan ang tungkulin sa mga mamamayan.

May dis-advantage din umano ang appointed na barangay officials sapagkat mahihirapan magpasunod ang mga ito dahil sa kawalan ng mandatong galing sa taong barangay. Inihalimbawa ni Emralino ang pag-aatend ng Barangay Assembly ng taong-barangay na sa kasalukuyan ikanya ay nahihirapan silang padaluhin ang mga ito sa nasabing asembleya. Wala din daw kasiguruhan na magtatrabaho ang mga appointed officials na mas malamang kesa hindi ay magpapakita ito ng katapatan o loyalty sa appointing power o opisyal na naglagay sa kanyang posisyon at hindi sa mga mamamayan ng barangay.

Unfair din umano sa mga Kapitan at maging sa mamamayan sa barangay kung sila ay papalitan ng mga OIC’s samantalang gumagawa sila ng magaling sa kanilang mga nasasakupan. Sa huli ay nanawagan itong si Brgy. Captain Melo Emralino ng kooperasyon at malasakit mula sa kanyang kabarangay dahil dapat umanong magtulungan ang mga mamamayan at mga lingkod ng pamahalaang barangay. By Ace Fernandez and Lyndon Gonzales @ la liga pilipinas

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.