CAMP NAKAR, LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Mayroong 54 na pulis mula sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna, at Rizal ang tumangap ng certificate...
CAMP NAKAR, LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Mayroong 54 na pulis mula sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna, at Rizal ang tumangap ng certificate of training matapos ang 45 araw ng pagsasanay sa Special Weapon and Tactics (SWAT) sa Camp Nakar sa lungsod na ito kamakailan.
Ang SWAT training ay isa sa mga programa ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) na naglalayong magkaroon ng grupo ng mga pulis na may mga kasanayan sa paglaban sa mga krimen gaya ng robbery at hostage incident at iba pang uri ng krimen.
Sinabi ni PSSupt. Rhoderick Armamento OIC Provincial director ng QPPO na nagpapasalamat siya sa tulong o suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Quezon Governor David Suarez sa pagtulong sa pagpapatupad ng programa ng Quezon PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Quezon kasama na ang programa o kampanya kontra krimen.
“Kailangan nating patatagin ang pwersa upang magtuloy-tuloy ang kaunlaran sa lalawigan, preparation is the key to success,” sabi pa ni Armamento.
Matatandaan na ang pamahalaang palalawigan ng Quezon ay nagkaloob ng SWAT van at mga motorsiklo sa QPPO upang gamitin sa mga pagsasanay at mga kampanya at programa kontra krimen.
Nauna rito, inilunsad na rin ng QPPO ang proyektong “blue riders” at “Pulis Maharlika” na bahagi rin ng kampanya ng QPPO laban sa krimen.
Dumalo sa nasabing pagtatapos sina Provincial Administrator Rommel Edano na kumatawan kay Gov. Suarez; dating OIC-SOLCOM Commander Ernesto Ravina at Special SWAT Training Manager Leodivico Curdova. (GG/Ruel Orinday/ PIA- Quezon)

No comments