Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong COP ng Lucena CPS nagbigay kortesiya kay Mayor Dondon Alcala

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang ipakita ang kaniyang paggalang sa namumuno sa lungsod ng Lucena nasi Mayor Roderick “Dondon” Alcala,...



LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang ipakita ang kaniyang paggalang sa namumuno sa lungsod ng Lucena nasi Mayor Roderick “Dondon” Alcala, nagbigay kortesiya ang bagong hepe ng kapulisan ng lungsod kamakailan. Personal na nagtungo si PSupt. Vicente Cabatingan sa tanggapan ng alkalde kasama ang ilan nitong mga tauhan.

Sa pagtungong ito ni Col. Cabatingan kay Mayor Dondon Alcala, kaniyang inilahad ang ilang mga programa at proyekto na nais niyang ipatupad sa Lucena.

Bukod dito, kaniya ring sinabi sa punong lungsod ang ilan nilang mga pangangailangan para sa kanilang tanggapan na ngayon ay nalipat malapit sa dating police headquarters. Inilipat ang naturang tanggapan dahilan sa gingawang rehabilitation ng police headquarter nito na isa rin sa mga proyekto ng pamahalaang panlungsod.

Ilan sa mga kahilingang nabanggit ng tauhan ng bagong hepe ng kapulisan ay ang pagsasaayos ng linya ng tubig at kuryente sa lugar gayundin ang tangke na pag-iipunan ng tubig dito. Malugod namang sinagot ni Mayor Alcala ang mga kahilingang ito ng mga kapulisan ng Lucena at sinabing agad niya itong ipaaayos kay City Engineer RhodencioTolentino.

Bukod dito, sinabi pa ng alkalde na sakaling mayroon pang ibang pangangailangan ang mga ito ay huwag mag-atubiling sabihin ito sa kaniya at agad naman niya itong pagbibigyan.

At bilang pasasalamat na rin ni PSupt. Vicente Cabatingan ay inihayag nito ang kaniyang buong pagssuporta sa lahat ng mga programa at proyektoni Mayor Dondon Alcala para sa lungsod ng Bagong Lucena. Si PSupt. Vicente Cabatingan ay nanggaling sa lungsod ng Calamaba sa Laguna bago mailipat sa Lucena at dati na rin naglingkod sa lalawigan ng Quezon bilang hepe sa iba’t-ibang bayan dito.  (PIO Lucena/ R.Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.