by Nimfa L. Estrellado LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK)election sa dar...
by Nimfa L. Estrellado
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK)election sa darating na Mayo 14, 2018.
Ito ang napag-alaman mula sa Commission on Election (COMELEC) Cavite Provincial Office noong nakalipas na linggo.
Sa isang ekslusibong panayam kay Atty. Allan S. Enriquez, Quezon Provincial Election Supervisor, sinabi nito na ang COMELEC ay may inihanda ng Calendar of Activities for Barangay, SK Polls na na nakapaloob sa Resolution No. 10246 na ipinasa at nilagdaan noong Enero 15, 2018.
Sa naturang Resolusyon ng COMELEC itinakda ang election period mula Abril 14 hanggang Mayo 21, 2018 at nakasaad rin ang mga ipinagbabawal na gawain o mga prohibited acts kaugnay ng May 14, 2018 synchronized Brgy. at SK Polls.
Ipinaaalala Enriquez na ang mga interesado at naghahangad na kumandidato para sa anumang posisyon sa barangay at Sangguniang Kabataan ay binibigyan ng pitong (7) araw mula Abril 14 hanggang Abril 20 para magharap ng kanilang kandidatura o mag-file ng Certificate of Candidacy.
Ang campaign period naman ay siyam (9) na araw simula Mayo 4 hanggang Mayo 12. Pinaalalahanan din at binibigyang babala ng COMELEC ang mga kandidato na iwasan na at huwag nang magsagawa ng anumang pagkilos na labag sa batas o yaong mga prohibited acts sa panahon ng pangangampanya.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang pagbibigay ng anumang donasyon o regalo, cash man o materyal na bagay (in cash or in kind); pagtatalaga o paggamit ng special police o confidential agents; pagpapagawa o maintenance ng mga kalasadang popondohan ng barangy, o kaya ay mga tulay; pagtatalaga ng mga bagong empleyado, pagbubukas ng bagong posisyon, promosyon, pagkakaloob ng dagdag na suweldo o salary increases, remuneration, privileges at iba pa.
Bawal na ring mangampana pa sa Mayo 13, bisperas ng eleksyon. Ang mga prohibited acts naman sa mismong araw ng halalan ay pagpapalit ng mga presinto o pagbubukas ng mga bagong presinto; pagdadala ng baril at iba pang deadly weapons; pag-gamit ng security personnel o bodyguards ng mga kandidato; paglilipat ng mga opisyal o empleyadong nasa serbisyo publiko at ang suspensyon ng sinumang elective local officer.
Ang pagboto sa Mayo 14, 2018 ay simula ika-7:00 ng umaga at magsasara sa ganap na ika-3:00 ng hapon.
Muli ay hinihikayat ng masipag at mabait na Cavite Acting Provincial Election Supervisor ang mga Caviteños na lumabas at bumoto sa Brgy. at SK elections, gamitin ang sagradong karapatam na makapili ng nais at karapat-dapat na pinuno sa barangay na siyang pinakamaliit na yunit ng gobyerno subalit mahalaga bilang pundasyon, at ganoon din sa SK para sa mga kabataan.

No comments