Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Groundbreaking ng itatayong gusali ng DOJ pinangunahan ni Sec. Aguirre

Si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre kasama si Mayor Rhoderick Dondon Alcala, Coun Vic Paulo, Coun Benny Brizuela, Coun Third Alcala at mga opi...

Si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre kasama si Mayor Rhoderick Dondon Alcala, Coun Vic Paulo, Coun Benny Brizuela, Coun Third Alcala at mga opisyales nang DOJ  sa ginawang groundbreaking ceremony ng proposed DOJ bldg sa bahagi ng Lucena City hall government complex sa brgy Kanlurang Mayao.


by Allan P. Llaneta

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Pinangunahan ni Department of justice Secretary Vittaliano Aguirre ang groundbreaking ceremony nang itatayong DOJ building sa bahagi New City Hall Complex sa Lucena City noong Enero 30.Pinangunahan ni Department of Justice Secretary Vittaliano Aguirre ang groundbreaking ceremony nang itatayong DOJ building sa bahagi New City Hall Complex sa Lucena City kaninang noong Enero 30.

Ayon kay Sec. Aguirre bahagi nang kanyang panunungkulan bilang kalihim nang DOJ na mas isaayos pa at dagdagan ang mga pasilidad nang kanyang departamento.

Katunayan umano nito ay namahagi siya tig-iisang laptop sa bawat prosecutor sa buong bansa at namigay din sya ng desktop at aircon sa bawat opisina para mapadali ang trabaho sa kanyang ahensya.

Dahil umano sa Quezon province ang kanyang pinagmulan, ang kanyang plano na pagtatayo ng gusali sa buong bansa ay dito na niya sinimulan sa Lucena City.

Sinabi pa nang kalihim ng DOJ na sa kanyang panunungkulan ay inaasam nya na mawala na ang korupsyon sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Pinasalamatan naman ni Aguire ang local na pamahalaan ng Lucena City sa pamumuno ni Mayor Rhoderick Dondon Alcala, ayon sa kalihim malaking bagay ang lupang pinagamit sa kanila para itayo ang nasabing gusali.

Samantala suportado naman ni Mayor Alcala ang pamunuan ng DOJ, sinabi nang Punonglungsod na kaagapay sila nang ahensya sa lahat nang pagkakataon.

Matatandaang noong nakaraang taon ay kabilang din si DOJ Secretary Aguirre sa nag-Inauguration sa New Lucena City hall complex.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.