Congressman Vicente “Kulit” J. Alcala Brgy. Poblacion Candelaria, Quezon – “Nanghihinayang ako sa pagkakatanggal ng pondo ni Congressma...
Congressman Vicente “Kulit” J. Alcala |
Aniya malaki ang magiging epekto nito sa mga proyektong nakahanay na sana sa Segunda Distrito, particular sa kanilang Barangay tulad ng road widening at Barangay outpost na makabago ang desenyo na pwedeng gamitin sa Disaster and Relief operations ng Brgy. Poblacion.
Katunayan ika nya ay gagawin pa sanang modelo ang sanay ipapagawang outpost sa kanilang barangay, para sa ibang barangay na nasasakupan ng District Office ni Cong. Alcala subalit sa pagkakatingga ng pondo diumano ni Cong. Vicente Kulit Alcala ay malabo na umanong maipagawa ang ganitong proyekto tulad ng iba pang physical infrastructure projects ng kongresista.
Samantala, posetibo naman ang reaksyon ni Brgy. Kapitan Belo Emralino sa pagbabalik ng Oplan Tokhang ng PNP dahil dapat umanong patuloy na mamonitor ang mga drug surrenderees na na-Tokhang na.
Makikipagtulungan din umano ang tanggapan ni Kap. Belo sa sinasabing drug users at pushers sa DILG sa ilalim ng tanggapan ni USEC. Martin Diño na siyang nakaagapay sa Barangay Affairs ng naturang ahensya.
Mahalaga umano na mapangalagaan ang peace and order sa mga barangay lalo sa tulad nilang nagpupursige sa pagsusulong ng turismo sa kanilang bayan katuwang ng ilang barangay at ang local government unit sa ilalim ang tanggapan ni Mayor Boongaling at Municipal Tourism Council sa bayan ng Candelaria.
Sa kasalukuyan ayon dito kay Kapt. Belo Emralino ay may plano ang pamahalaang lokal ng Candelaria para ipaayos ang mga kalsada sa lugar na kung saan ay magiging tourist destination at inaasahan ni Kapitan na makapag promote din sila ng produkto, kultura at magandang kalikasan na siyang pangunahing tulay sa pagsusulong ng turismo sa kanilang lugar. (By: Ace Fernandez and Lyndon Gonzales)
No comments