LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang mas mabilis na maaksyunan ang lahat ng mga aksidenteng maaaring maganap sa lungsod, isa sa mga hinahanga...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang mas mabilis na maaksyunan ang lahat ng mga aksidenteng maaaring maganap sa lungsod, isa sa mga hinahangad ng head ng Lucena City Dissaster Risk Reduction Management Office na si Janet Gendrano ay ang pagkakaroon ng sariling hotline sa lungsod.
Sa panayam ng TV12 kay Mam Janet Gendrano, sinabi nito na nais nilang itulad ito sa national hotline na 911 na kung saan ito ang mga numerong tinatawagan kapag mayroong mga insidente ng sakuna o aksidente sa lansangan.
Ayon pa kayGendrano, nais nila na magkaroon ang lungsod ng sariling hotline number na kung saan ang mga numerong gagamitin dito ay ang DON o 366.
Dagdag pa rin ng head ng LCDRRMO, sa pagkakaroon ng ganitong uri ng hotline, ay mangangailangan ito ng mga tauhan na kung saan ay bubuuin ng mga ahensya mula sa kanilang tanggapan, ERT, Patrol 117, Lucena PNP at BFP-Lucena. Sakaling magkaron na nang tinatawag na 366, ang Patrol 117 ang siyang tatanggap ng mga tawag mula dito.
Magkakaroon rin aniya ang mga ito ng computer aided dispatch na kung saan ito aniya ay isang teknolohiya na makikita sa pamamagitan ng GPS kung nasaan ang pinakamalapit na responders sa lugar ng pinangyarihan ng insidente. Ayon pa rin kay Mam Janet Gendrano, sa ngayon ay ito ang kanilang ninanais na makamit upang makumpleto ang tinatawag na computer aided system para sa mabilis na pagsagip sa lahat ng sakuna at insidente na maaring mangyari sa lungsod ng Lucena. (PIO Lucena/ R.Lim)

No comments