Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagpila ng mga tricycle at mga pasahero sa bahagi ng palengke, umani ng papuri sa Lucenahin

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Umani ng pa puri sa mga mamamayan lucenahin ang ginawa namin sestema ng pagpila ng mga tricycle at pasahero sa...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Umani ng pa puri sa mga mamamayan lucenahin ang ginawa namin sestema ng pagpila ng mga tricycle at pasahero sa bahagi ng Lucena Public Market.

Ito ang naging pahayag ni Noriel Obcemea hepe ng Tricycle Franchesing and Regulatory Office sa esklusibong panayam ng TV12 dito.

Ayon kay Obcemea, batay na rin sa marami ang nakakarating sa kanilang tanggapan at maging sa opisina ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na reklamo hinggil sa pamimili ng mga pasahero ng tricycle driver sa lugar.

Ayon dito kaya naman ang kanilang tanggapan ay naatasan ng punong lungsod na resulbahin ang hinaing ng mga kababayan natin tungkol sa usapin.

At kaagad ay gumawa ang kanilang opisina ng aksyon, naisipan nila na mayroon pila ang mga tricycle at mga pasahero dito.

Sa ngayon ay hindi na aniya makakatanggi ang mga driver ng tricycle kung matatapat sa kaniya ay pasahero na ihahatid niya kung ito ay malayo o malapit.

Kalimitan na sumasakay sa bahagi ng palengke mall ay mga taga Marketview, Solcom, Mayao Crossing, tinatawagna Highway at Dalahican.

Sinabi rin ng Head ng TFRO, nakapag aniya naman ang mga pasahero ay Buntis, PWD’s at Senior Citizen ay prayoridad ang mga ito na pasakayin.

Samatala ngayon ayon pa kay Obcemea, nakita nila na maganda ang naging resulta ng kanilang ginawa, batay na rin sa sinasabi ng mga pasahero lalo na ang mga kababaihan buntis, na kung hindi aniya nila nilagyan ng pila ay hindi kaagad sila makakasakay.

Sa huli ay humingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang naturang opisyal sa mga pasahero na hindi sanay pumila, kailangan lamang ay sumunod sila at ito na may aniya ay para rin sa kanila.

At Para naman sa mga tricycle driver na nagsasakay na lamang sa hindi pila, dapat ngayon ay pumila na sila at ito naman ay para rin sa kaayusan ng trapiko sa bahagi ng palengke.

Ito rin naman ang ninanais ni Mayor Dondon Alcala ang maayos ang mga mananakay natin sa bahaging palengke mall upang makarating at makakauwi sa kanilang tahanan na matiwasay at maiwasan na rin ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.(PIO Lucena/ J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.