Lucena city mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala, Calabarzon RD Chief Supt. Mao Aplasca, Quezon PD Senior Supt. Rhoderick Armamento, Lucena pol...
Lucena city mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala, Calabarzon RD Chief Supt. Mao Aplasca, Quezon PD Senior Supt. Rhoderick Armamento, Lucena police chief, Supt. Vicente Cabatingan |
by Ace Fernandez and Lyndon Gonzales
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “Walang sinasanto, walang kinatatakutan, matapang pagdating sa mga criminal lalo na yong mga most wanted ng PNP. Ito ang isa sa mga katangian ng bagong hepe ng Lucena PNP na si P/Supt. Vicente Cabatingan. Kamakailan ay nahuli ng tracking team ni P/Supt. Cabatingan ang isa sa mga most wanted ng Region I na si Fankie Abellano – Cativo, 50 y/o may asawa at residente ng Sitio Himbabalod, Brgy. F. Nandiego Mulanay Quezon. Si Cativo ay wanted sa kasong murder at frustrated murder na nakasampa sa Regional Trial Court First Judicial Region Branch 54 sa Alaminos City, Pangasinan sa sala ni Judge Ma. Ellen M. Aguilar na siyang nagbaba ng warrant of arrest noong January 20, 2004 para sa nasabing suspect na merong ₱ 100,000 reward sa ilalim ng DILG memorandum circular 2002 – 39.
Ayon kay P/Supt. Cabatingan, taong 2014 pa ng kanyang nalaman na wanted itong si Cativo subalit naudlot diumano ang paghabol dito ng sya ay ma-assigned sa Palawan at muli nya itong itinuloy ng sya ay mapabalik sa CALABARZON. Aniya, mahalaga sa kanya ang mahuli ang mga wanted person tulad ni Cativo na nagtago ng labing siyam na taon (19) upang masimulan ang pagkamit ng hustisya ng pamilya ng biktima na nagmula pa sa bayan ng Anda, Pangasinan kung saan nangyari ang pagpatay kay Elpidio Amoroso noong November 29, 1999.
Kasama sa mga umaresto sa suspect ay itong sina PCInsp. Ruben A. Ballera, PO3 Benito Nivera, PO3 Mark Mangahis, PO3 Mark Pepito C. Esteron, PO2 Kristopher, PO2 Herbert Margo, PO2 Latigay at PO1 Madurog sa ilalim ng superbisyon ni PSupt. Vicente S. Cabatingan. Kasama rin sa nasabing pag-aresto ay ang ilang element mula sa 85th 1B, 2nd Infantry Division ng Phil. Army sa ilalim ng pamumuno ni BGBW Rhoderick Parayno, Internal Security Operation Division (ISOD), Region 1 Intellenge Unit (RIUI) ng Intelligence Group at Mulanay Municipal Police Station. Sa huli, ay nagbabala ang ROBOCOP ng Bagong Lucena sa lahat ng mga kriminal lalo na iyong mga sindikato ng illegal na droga na mananagot sa batas ang mga ito.
Samantala, kamakailan ay nagsagawa ng Orientation of Community Mobilization Program (CMP) for Cluster Leaders noong Feb. 20, 2018 sa 3rd Floor Event Theater Pacific Mall Brgy. 3 Lungsod ng Lucena. Pinangunahan ni P/Supt. Vicente S. Cabatingan ang nasabing okasyon na sinuportahan ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala at naging panauhin si PSSupt. Rhoderick C. Armamento ang kasalukuyang Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office. Dumalo rin sa nasabing orientation sina Councilor Vic Paulo, Chairman, City Peace and Order Committee, Engr. Danilo Nobleza, DILG Lucena City Director, PSUPT ELMAR B SILLADOR, Acting Chief, Regional PCRB, PSUPT JUN URIQUIA, DPDA, Quezon PPO, PSUPT VON JUNE NUYDA, Chief, QPCRB, PCI ELENA N ELEAZAR, Chief PIO, Quezon PPO, PSI MARRY ANNE CRESTER N TORRES, Chief, PPS, SPO4 Rodolfo Collado, RESPO, Pastor Adiel De Torres, Pastors/Values Coaches of Lucena CPS sa pangunguna ni Pastor Joe Belisario, Ms. Francia Malabanan, Chief, CADAC. Suportado din ng tatlumpot tatlong (30) Barangay Captains ng Lucena City kasama ang kanilang Barangay officials at cluster leaders. Nagsimula ang pormal na programa sa invocation na pinangunahan ni Pastor Adiel De Torres, at sinundan ito ng Pambasang Awit ng Pilipinas. Si COP ng Lucena PNP PSUPT VICENTE S. CABATINGAN, ang nagbigay ng welcome remarks at nagbigay din ng mensahe at suporta itong si Mayor Roderick A. Alcala. Tinalakay din an gang overview ng Community mobilization program ni PSI REDEN ROMASANTA, Chief, Operations, ng Lucena PNP.
Sa nasabing okasyon ay naging panauhing tagapagsalita itong si PCSupt. Ma. O R. Aplasca, kasalukuyang Regional Director ng CALABARZON at ipinaliwanag ang kahalagahan ng Project CMP kasabay ang pasasalamat sa dumalo at sumuporta sa proyekto. Isa sa mga naging bahagi ng prgrama ay ang pagbibigay ng Certificate of Recognition kay PSupt. Vicente S. Cabatingan para sa exemplary service and operational accomplishments (59 arrested persons) magmula ng siya ay maupo bilang hepe ng Lucena PNP.
No comments