LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Isinagawa nitong kamakailan ang Quezon Provincial Dissemination of Philippine Plan of Action for Nutritio...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Isinagawa nitong kamakailan ang Quezon Provincial Dissemination of Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN 2017-2022 na may temang “Sa PPAN: Panalo ang Bayan!”.
Dinaluhan ng iba’t-ibang kawani ng pamahalaan ang nasabing pagtitipon na binubuo ng mga Barangay Nutrition Officers, Municipal Nutrition Action Officers, Provincial Nutrition Multisectoral Committee, Municipal Health Officers, at mga mayors.
Naroon rin sina Provincial Nutrition Action Officer Roberto Gajo, Committee Chair on Health and Nutrition Board Member Hon. Beth Sio, at kinatawan ng National Nutrition Council Region 4A na si Lourdes Orongan.
Ang nasabing programa ay tugon ng pamahalaang nasyunal laban sa malnutrisyon sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan at sa suporta ni Gob. David C. Suarez.
Ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Roberto Gajo, hangarin ng programa na mas ipadama pa ng pamahalaang panlalawigan sa mga mamamayan ang mga serbisyo nitong may kinalaman sa kalusugan.
Kinilala naman ni NNC Nutrition Officer Lourdes Orongan ang programang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K bilang isa sa mga natatanging programa na nagbibigay ng malaking ambag sa pagpapababa ng malnutrition level sa lalawigan. Aniya, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat sektor na pamahalaan, mas matutugunan pa ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Sa tulong ng mga komprehensibong programa na ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan, mula 17% ay bumaba na sa 9% ang malnutrition level sa lalawigan ng Quezon. Ang pagpapababa sa antas ng malnutrisyon at patuloy na pagbibigay tugon sa sektor ng kalusugan sa lalawigan ay isa sa mga pangunahing layunin ni Gob. Suarez alinsunod sa kanyang Next 3, Best 3 years ng panunungkulan. (Quezon-PIO)
No comments