Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Sapat ang supply ng bigas sa Lalawigan ng Quezon - NFA sa publiko

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Tiniyak ng National Food Authority (NFA) sa publiko na walang dapat ipag-alala sapagkat sapat pa ang supply ng...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Tiniyak ng National Food Authority (NFA) sa publiko na walang dapat ipag-alala sapagkat sapat pa ang supply ng bigas sa lalawigan ng Quezon at maging sa buong bansa, at ito ay sa abot-kayang presyo ng masang Pilipino.

Marami umanong klase ng bigas o rice varieties na itinitinda sa mga pamilihan at mga outlets, tulad ng regular-milled, well-milled, premium, special at fancy, subalit ang pinakamabenta umano sa mga ordinaryong konsumedores ay regular at well-milled varieties na ipinagbibili ng NFA sa mas mababang halaga upang mabigyan ng alternatibo ang mga mahihirap at low-income na pamilya, ayon sa NFA Quezon Provincial Office.

Inatasan na rin ni NFA administrator Jason Aquino ang lahat ng mga field officials ng ahensya sa buong bansa na magsagawa ng “round the clock” monitoring at bantayan ang presyo ng bigas sa mga pamilihan at palengke upang matiyak na pagtaas sa presyo ng produktong bigas sa bansa dahil sa TRAIN Law.

Labag din sa batas ang overpricing profiteering at hoarding o pagtatago ng bigas at tinitiyak ng NFA na makakasuhan at mananagot ang mga negosyante na magsasamantala.

Ayon pa sa NFA, pupulungin ni Aquino ang mga lider ng mga negosyante ng bigas para hilinging bantayan ang kanilang hanay, makipagtulungan sa bantay-presyo at tilyaking walang magsasamantala.

Samantala, ayon naman sa mismong mga Quezonian may nabibili naman silang sapat na NFA rice sa mga outlets at sa palengke at umaasa silang magpapatuloy ito at hindi magtataas ang presyo nito.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.