by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon – “Isang pagkilala at selebrasyon ng kultura ang aming dahilan kung bak...
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales
LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon – “Isang pagkilala at selebrasyon ng kultura ang aming dahilan kung bakit ganun na lamang ang aming pagpapahalaga sa ating mga Filipino – Chinese sa Lungsod ng Tayabas kaya kami ay mayroong Tay-Tsinoy Festival na sinumulan sampung taon na ang nakalilipas” ito ang sinabi sa Tribune Post ni Mayor Ernida Reynoso ng atin syang makapanayam.
Aniya bukod sa pagnenegosyo, mga lutuin na ngayon ay bahagi na ng pagkaing pinoy, ay hindi rin ika nya maikakaila na malaki rin ang naging ambag sa kultura ng mga kababayan nating Chinese hindi lamang sa Tayabas kundi maging sa buong bansa at sa buong mundo.
Kaya bilang patunay na pinapahalagahan namin ang ambag na ito sa ating kultura at kasaysayan, ang pamahalaang panlungsod ng Tayabas ay naglaan ng limang araw na celebration ng Tay-Tsinoy Festival upang magkaroon ng mas malawak na kamalayan ang mga Tayabasin at mga Turistang pumunta sa festival dagdag pa ni Mayor Reynoso.
Samantala, ayon kay Mrs. Roselle Villaberde, Tayabas City Tourism Officer ng lungsod na sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ng kanyang mga kababayan ang maglakad sa Great Wall of China dahil nagpagawa sila sa Parke Rizal ng kahalintulad ng nasabing lugar sa China na dinarayo ng milyong-milyong turista kada-taon. At bilang pagkilala sa LGBT sector ay nagkaroon ng LGBT King and Queen of Hearts ang Tay-Tsinoy Festival sa unang pagkakataon dagdag pa ni Mrs. Villaverde.
“Amin pong pinagsisikapan na maging makabuluhan at masaya ang aming mga festival sa lungsod ng Tayabas at ang Tay-Tsinoy Festival ay bahagi ng isang buong taong pagdiriwang ng kultura at kasaysayan kasabay ng pag-unlad ng turismo, negosyo at kabuhayan ng kanyang mga kababayan na ito diumano ang gustong maging legacy na iiwan sa mga Tayabasin” ayon pa kay Mayor Reynoso. Sa katunayan ika nya ay nakalatag na ang mga proyektong magiging daan ng kaunlaran tulad ng Southern Luzon State University for the 21st Century na tinatayang sa loob ng Sampung taon ay kikita ang lungsod ng 365 milyon kada taon sa tinatayang dalawampung libong estudyante na papasok sa SLSU pagkalipas ng sampung (10) taon.
Nandiyan din ika nya ang Isabang Town Center na magbibigay ng negosyo at trabaho sa kanyang mga kababayan bukod sa nauna ng ipapagawang Quezon Sports Complex na State of the Art at ang Niyog-Niyogan Village na ipapatayo umano ni Gov. David “Jayjay” Suarez sa Tayabas nanito diumano ay makakapagbigay ng libo-libung trabaho, hanapbuhay at malaking revenue sa Tayabas LGU. Sa mensahe ay sinabi ni Mayor Erlinda Reynoso na makakaasa ang kanyang mga kababayan ng isang matapat at transparent na paglilingkod ng lokal na pamahalaan sa patnubay ng mga angel ng Poong Maykapal. By Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ la liga pilipinas.
No comments