Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

VM Red, acting Mayor ng Gen. Luna

by Nimfa L. Estrellado GENERAL LUNA, Quezon -- Si Vice Mayor Jovito Red and kasalukuyang nagsisilbing punong bayan ng General Luna, Quez...

by Nimfa L. Estrellado


GENERAL LUNA, Quezon -- Si Vice Mayor Jovito Red and kasalukuyang nagsisilbing punong bayan ng General Luna, Quezon simula nang masuspinde noong nakalipas na Disyembre 2017 si Mayor Jose Stevenson Sanggalang.

Si Sanggalang ay suspinde ng Office of the Ombudsman kaugnay ng kasong isinampa ng mamamahayag na si Melinda Jennifer Glifonea laban sa kanya na nag-ugat sa pagtatalaga ng alkalde sa kanyang pinsang buo na si Gerardo Ian Perez bilang municipal administrator kahit na diumano ay hindi ito kuwalipikado dahil sa kawalan ng eligibility.

Sa pahayag noon ni Sanggalang, itinalaga niya si Perez bilang municipal administrator dahil sa walang ibang kuwalipikado sa kanilang bayan para sa naturang puwesto na isang confidential position sa pamahalaang bayan.

Si Vice Mayor Red ang kasalukuyang tumutupad sa mga tungkulin bilang acting mayor katuwang ang number one municipal councilor na si Laica Batariano bilang acting vice mayor naman.

Kahit na umano apektado ng suspensyon ni Sanggalang ang ilang proyektong pang imprastraktura sa General Luna, sinisikap naman ni VM Red na maibigay pa rin sa mga kababayan ang mga pangunahing serbisyo ng lokal na pamahalaan at maipagpatuloy ang iba pang programa.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.