Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

1,000 job applicants, dumagsa sa TVET enrollment and jobs bridging ng TESDA

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Mahigit 1,000 aplikante sa mga trabaho mula pa sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Quezon ang d...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Mahigit 1,000 aplikante sa mga trabaho mula pa sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Quezon ang dumagsa sa ikatlong palapag ng Pacific Mall, sa lungsod na ito noong 27 Pebrero 2018 sa idinaos na “National TVET Enrollment day and jobs bridging” o job fair na inorganisa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-Quezon) sa pakikiisa ng Department of labor and Employment (DOLE-Quezon), Provincial Public Employment Service Office (PESO) at Provincial Technical and Vocational Educator’s Association.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa okasyon si Kalihim Guiling “Gene” Mamondiong ng TESDA kung saan inihayag din niya dito ang iba’t ibang skills training program ng TESDA.

Sinabi ng kalihim na ang national TVET enrollment and jobs bridging ay ginagawa sa buong bansa at isa ang lalawigan ng Quezon sa mga napiling pagdausan nito sa layuning matulungang maihanap ng trabaho ang mga tech-voc graduates sa lalawigan ng Quezon.

“Ang mga skills training na ipagkakaloob ng TESDA sa mga mag-aaral ay walang bayad, bukod dito mayroon pang libreng food allowance at transportation na ibibigay ang TESDA sa mga kabataang mag-aaral,” ani Mamondiong.

Samantala, sinabi ng kalihim na libre na ngayon ang pag-aaral ng mga kabataan sa mga state colleges/universities sa buong bansa.

“Dapat nating pasamalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng mga programang ito, dito pa lang sa Pilipinas ay mabibigyan na ng mga libreng kasanayan at trabaho ang ating mga kabataan upang hindi na rin magpunta sa ibang bansa para magtrabaho,” sabi pa ng kalihim.

Ang TESDA ay nakatakda ring maglagay ng mga training center sa lalawigan ng Quezon para sa mga indigenous communities para mabigyan din ng libreng pagsasanay at hanapbuhay ang mga katutubo. (GG/Ruel Orinday/ PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.