Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

7 patay sa mga road accidents sa quezon

by Ylou Dagos Pito ang patay sa limang vehicular accidents na nangyari sa Quezon province nitong Huwebes at Biyernes Santo. Kabilang sa na...

by Ylou Dagos

Pito ang patay sa limang vehicular accidents na nangyari sa Quezon province nitong Huwebes at Biyernes Santo. Kabilang sa nasawi ang Chinese national na si Hui Mao, 46 anyos, residente ng Fujian China, matapos ang kinasasakyan nitong Toyota Fortunner ay mahulog sa may 10 feet na lalim ng bangin sa Old Zigzag road, Maharlika Highway, Barangay Silangang Malicboy sa bayan ng Pagbilao bandang alas 8:00 ng gabi noong Biyernes Santo.

Sugatan din ang kasama nitong tatlo pang Chinese nationals at ang kanilang driver na si Manuel Ramos. Sa bayan ng Tiaong, dead on the spot ang magkapatid na sina Santiago at Rafael Antonio, kapwa residente ng San Pablo City, nang ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo ay sumalpok sa City Tourist bus sa Maharlika Diversion Road sa Barangay Lumingon bandang alas 9:00 ng gabi noong Biyernes Santo.

Ayon sa pulisya nangyari ang banggaan sa Nortbound lane na linya ng bus.

Namatay naman habang ginagamot sa MMG hospital sa Lucena ang magpinsan na sina Andrei Macatangay, 17 anyos at Roderick Fedelinio, 31 anyos, nang ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo ay bumangga sa poste ng Meralco sa Maharlika Highway, Barangay Silangang Mayao, Lucena City, noong Huwebes Santo ng madaling-araw.

Sa Dolores, Quezon, namatay din habang ginagamot sa ospital ang 60 anyos na si Dolores Bomiel, matapos na ito ay masalpok ng isang motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng highway sa Barangay Bayanihan Huwebes Santo ng umaga.

Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng motorsiklo na si Ronald Asistin.

Patay naman ang truck driver na si Gregorio Cabalza, 68 anyos, matapos na salpukin ng minamanehong truk nito ang lima pang sasakyan na kinabibilangan ng tatlong bus, isang truck at isang van sa pababang bahagi ng Maharlika Highway New Diversion Road, sa Barangay Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon bandang alas 6:30 ng Huwebes Santo ng gabi. Nawalan umano ng preno ang nasabing truck na siyang naging sanhi ng karambola ng anim na sasakyan. Wala namang nasugatan sa sakay ng lima pang sasakyan. 

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.