Opisyal ng sinimulan ang taunang edisyon ng pambarangay na palaro ng basketball na pinamagatang ‘Idol ko Si Kap Basketball League 2018’ sa ...
Opisyal ng sinimulan ang taunang edisyon ng pambarangay na palaro ng basketball na pinamagatang ‘Idol ko Si Kap Basketball League 2018’ sa Barangay Ibabang Dupay kamakailan.
Ang aktibidad na ito ay taun-taong isinasagawa ng nasabing barangay para sa mga mamamayan nito lalo’t higit sa mga kabataan ngayong panahon ng summer.
Naisakatuparan ang programang ito sa pangunguna ni Kapitan Jacinto “Boy” Jaca, kasama ang buong sangguniang barangay sa inesyatibo na din ni kagawad Ellen Doloroso na siyang Chairperson ng Youth Development sa barangay.
Maituturing naman na mas pinaganda ang liga ng basketball ngayong taon dahilan sa libre na ang registration fee ng mga manlalaro gayundin ay pinagkalooban ang bawat miyembro ng basketball team ng libreng uniporme na magagamit nila sa kanilang mga laro.
Layunin ng pagsasagawa ng Basketball League na ito na mas madagdagan pa ang mga kabataang nahihilig sa sports tulad ng basketball at maiiwas ang mga ito lalo’t higit ang mga kabataan sa pagkakalulong sa masamang Gawain at bisyo partikular na ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot
Inaasahan naman ang pakikiisa ng mga basketball players sa Barangay Ibabang Dupay na ibigay pa nila ang kanilang makakaya o ang kanilang best shot kagaya ng mahusay na pamamahala at pagpapatupad ng mga programa para sa kanila ng pamunuang barangay ng Ibabang Dupay. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments