Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

BFP Lucena nagpasalamat kay Mayor Dondon Alcala at sa DepEd

Kamakailan ay isinagawa ang 4th Roderick “Dondon” Alcala Barangay Fire Olympics 2018 ginanap ang naturang aktibidad sa compound ng Lucena C...

Kamakailan ay isinagawa ang 4th Roderick “Dondon” Alcala Barangay Fire Olympics 2018 ginanap ang naturang aktibidad sa compound ng Lucena City Government Complex.

Kung saan ang nasabing aktibidad na ito ay pinangunahan ng Bureau of Fire Protection Lucena at dito ay mayroon labing isang barangay ang sumali.

At ang mga ito ay ang Barangay 2, 4, 9, 10, Brgy. Ibabang Iyam, Ilayang Iyam, Ibabang Dupay, Ilayang Talim, Silangan Mayao, Mayao Crossing at Barangay Cotta.

Dumalo rin sa aktibidad na ito si Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traquiña na kinatawan si Mayor Dondon Alcala, Dra. Belen Andal Senior Education Program Specialist ng DepEd na kumatawan naman kay Dr. Aniano Ogayon School Division Superientendent at mula sa ERT.

Maging ang ilang mga Barangay Chairman na sumuporta sa kanilang team.

Mayroon naman anim na Participants na Junior Fire Marcial mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa lucena at ito ay nasa pangalawang taon na ginagawa.

Sa panayam ng TV12 kay SFO4 Danilo Panotes Chief Administration at Chief Caretaker ng BFP Lucena.

Sinabi nito na ang isinagawang fire Olympics ay para magkaroon ng kaalaman ang bawat barangay at maging ilang mga school sa lungsod ng lucena upang makaiwas sa di inaasahan sunog sa kanilang lugar.

Nagpasalamat naman si SFO4 Panotes, sa DepEd dahil sa mayroon participants na anim na mga Junior Fire Marcial mula sa mga eskuwelahan na aktibo pagdating sa naturang aktibidad.

Ganoon din ay nagpasalamat ito kay Mayor Dondon Alcala, dahilan sa malaking suporta na ibinigay nito upang matagumpay na naisasagawa ang taon taon selebrasyon ng Fire Prevention Month at fire Olympiocs dito sa Lungsod ng Lucena.

Samantalang Sinabi rin ni SFO4 Panotes, kagandahan aniya ay may maayos at magandang samahan ang bawat barangay pagdating sa usapin ng sunog.

Dagdag pa nito na puwede na rin ideklara na fire free ang lucena sapagkat madalang na ang nangyayaring sunog dito.

Dahil na rin sa mga programa at kampanya nila kung papaano makakaiwas sa sunog.

Ayon pa dito na bukod sa awereness ay nagkakaroon na rin ng pagkilos ang mga Junior Fire Marcial.

Nagbibigayan ng mga ito ng info sa ang mga tauhan ng BFP Lucena kung nasaan ang sunog at ganoon din ay tumutulong naiaaply rin nila ang kanilang nalalaman para maapula ang sunog.

Sa huli ay sinabi pa ni Panotes, na malaking bagay ang ginagawang aktibidad na ito sapagkat nagkakaroon ng awareness atnakakaiwas sa sunog ang ating mga mamamayan lucenahin. (PIO Lucena/ J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.