Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang blessing ng isang bagong micro insurance sa lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kama...
Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang blessing ng isang bagong micro insurance sa lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Ang nasabing micro insurance na ito ay ang Cooperative Alliance for Responsive Endeavor Mutual Benefit Association o ang CARE MBA, Inc.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa Ilang-Ilang Street sa bahagi ng Zaballero Subd. Sa Brgy. Gulang-Gulang.
Dumalo rin dito ang ilang mga manager ng bangko at mga chairman ng kooperatiba sa lungsod at sa mga karatig na bayan.
Tumatayong president ng Care MBA si Atty. Jorge Vargas habang tumatayong vice president naman si Dominador Tamayo.
Nag-umpisa ang naturang okasyon sa pamamagitan ng isang misa kasunod ang pagbabasbas dito at ang ribbon cutting bilang hudyat ng pormal na pagbubukas nito.
Kasunod nito ay nagbigay ng kaniyang mensahe ang president na si Atty. Vargas na kung saan ay inilahad nito akung paano nabuo ang nasabing micro insurance.
Matapos nito ay nasalita naman si Mayor Dondon Alcala at pinasalamatan ang pagtatayo ng Care MBA sa lungsod gayundin lubos rin aniya siyang natutuwa dahilan sa muli niyang nakita at nakakwentuhan ang matagal na niyang kaibigan na si Atty. Vargas.
Dagdag pa ng alkalde, si Atty. Jorge Vargas ay matagal nang kaibigan ng kaniyang lolo na si dating gobernador Anacleto Alcala Sr. at isa rin ito sa kaniyang naging mga abogado na kung saan ay hinihingian niya ito ng payo.
Ipinahayag rin ni mayor Alcala ang buong pagsuporta ng pamahalaang panlungsod sa lahat ng mga programa at proyekto ng nasabing samahan gayundin ang pagbati nito sa tagumpay ng kanilang organisasyon.
Ang Care MBA ay mayroong tinatayang mahigit sa 43,000 mga miyembro sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon at maging sa mga karatig na probinsya at binubuo rin ang nabanggit na samahan ng sampung mga kooperatiba sa Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments