Bilang pagdiriwang sa ika-limampu’t siyam na taon ng araw ng silid-aklatan sa buong Pilipinas, muling pasisinayaan ng tanggapan ng City Lib...
Bilang pagdiriwang sa ika-limampu’t siyam na taon ng araw ng silid-aklatan sa buong Pilipinas, muling pasisinayaan ng tanggapan ng City Library ang programang “Buklatan sa palengke”.
Sa naging panayam ng TV12 sa hepe ng panlungsod na aklatan na si Miled Ibeas, inilahad nito ang isasagawa nilang programa para sa mamamayang Lucenahin na gaganapin sa darating na ika- siyam ng Marso sa Lucena City Public Market.
Ayon kay Ibeas, magse-set up aniya sila ng isang mini library na kung saan ay tampok ang mga libro at iba pang reading materials na bukas para sa lahat na nagnanais na maging bahagi ng naturang programa maging ang mga senior citizens at ang mga mismong namamalengke na nais mag-avail ng serbisyo.
Parte din ng naturang programa ang pagdaraos ng iba pang aktibidades tulad ng story telling para sa mga street children na nasa palengke.
Dagdag pa nito, pangatlong beses na aniya itong isinasagawa ng kanilang ahensya dahilan sa nakikita nila ang eagerness at kagustuhan ng mga batana magbasa at making sa mga kwento kung kaya’t ninais nilang ituloy tuloy ang “Buklatan sa Palengke”.
Bilang paghahanda ay inumpisahan na nila aniya ang pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng public market para tulungan sila at asistahan sa pagsasagawa ng programa.
Sa huli ay iniimbitahan ni Ibeas ang lahat ng mamamayang Lucenahin na makiisa sa programang “Buklatan sa palengke” kaisa ng kanilang adhikain na mas maipahayag at maipakita ang kahalagahan at importansya ng pagbabasa sa kabila ng modernisasyon. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments